Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket





A work in progress

Friday, September 23, 2005

I need a brief rest

Hello everyone! Sorry if I haven't been very diligent in posting here in my blog this past few days. I have just been soooo busy lately. You just can't imagine how busy. As a proof, I am now sick. :-( So I would be resting muna for a couple of days but I will be back. Promise! As if naman ma-mimiss ninyo ako! Hehehehe! For the meantime, you can visit pinoyatbp. Our topic there is all about clothing. My post was already published several days ago.

Thanks! See you!

Posted by nikki:: 9/23/2005 09:07:00 PM



Sunday, September 18, 2005

Isang Paki-usap

Sumisikat na ang araw,
Di pa din ako makatulog.
Harap sa kaliwa,
Harap sa kanan,
Tayo, upo, dapa...

Napapapikit na ang aking mga mata
Ngunit animo'y nabuhusan ng tubig
At napapa-igting muli
Dahil umiiyak ka na naman...

Haay Tricia, nagsusumamo ako,
Matulog ka na please!

After spending an almost sleepless night with my niece, Tricia because her parents had to attend to a family matter, I now have more respect for working moms and yayas out there who takes care of these cute babies day in and day out. As a pediatrician, I have been constantly exposed to these babies for 4 straight years during my residency training but only when I made my rounds in the nursery when I was on duty or if I was assigned to a post at the nursery (these posts changes monthly). I have not tried taking care of a baby for 24 hours, not until yesterday. For those of you who have yet to experience it, the task is very tiring and sometimes frustrating. Perhaps even more so for those who are not trained to interpret a baby's cry and body language to mean something. Take for example the time when I heard Tricia crying high-pitched and was crankier than usual. She must be missing her parents hence the extra crankiness. But what about the high-pitched cry? I bet some would not even notice the difference. Ahh.. might be a case of colic. Inspection of her tummy confirmed my suspicion so I immediately sought a remedy for that. And then night time came, she again became cranky and looked like she was pushing. Hmmm... constipation, I thought. Lo and behold, after helping (you don't want to know the details of how I did this) her do her thing, she quieted down and slept for 3 straight hours. Things are looking good for me. But I guess I spoke too soon because just when my head hit my pillow after feeding her and putting her to sleep for almost an hour, I was getting up again to see what was the matter this time. She just looked at me from her crib as if to say "Wala lang, gusto lang kita gisingin". I tried everything to make her go to sleep again, I tried talking to her, reading to her, singing to her, pleading with her and playing my dad's tapes (which I usually do not listen to) at 3 am because she apparently likes listening to it but to no avail. Just when I was about to give up, she suddenly settled down and slept. By then, it was already almost 7 am.

Now I appreciate the yayas I used to fight with when I was still a little girl. I should've been nicer to them because what they do is not easy. Attending to the needs of a small child who is not even your own and doing a great job at it requires patience and dedication. Now I appreciate more my parents who took care of me by themselves and then still had to go to work the next day. My mom is lucky, my dad was also a hand-on parent. I pity those wives whose husbands think that taking care of a child is only a woman's responsibility. I pity those single moms who doesn't have someone who can help them take care of their child.

Moral of the story:Huwag mag-aanak kung hindi handang magpuyat araw-araw. Unless makahanap ng paraan na maipanganak ang bata na anim na buwan na agad. :-)

Posted by nikki:: 9/18/2005 11:18:00 PM



Wednesday, September 14, 2005

10 Excuses to let your EX know that you miss him

Hindi ba minsan kahit na matagal na kayong nagkahiwalay ng dati mong kasintahan, may mga pagkakataong naaalala mo pa din siya? Kahit pa sabihin mong masalimuot ang inyong paghihiwalay, meron talagang mga pagkakataon na papasok siya sa isipan mo. Sa akin, nangyayari ito. Minsan, sabi ng mahadera kong kaibigan, bakit ba hindi ko daw padalhan ng email si EX at sabihin na na-mimiss ko siya? Sayang naman daw kasi yung feeling kung hindi malaman nung tao. Hmmm.... napaisip tuloy ako, kelangan may strategy, may dahilan kung bakit ako biglang napa-email para hindi naman ako magmukhang stalker. Yung subtle lang ba...

1. nabasa mo ang mga lumang emails niya - Obvious naman siguro ito na naalala mo siya kasi nga nabasa mo yung mga love emails ninyo noon. Ngayon, kung waiis ang EX mo, he will see through your excuse.

2. nakita mo ang mga pictures niya - Kaya nga may mga litrato di ba para maalala mo ang isang tao o isang okasyon?

3. nabasa ang mga lumang text - Isa pa itong style na bulok! Kasi kung ang huling text niya sa iyo ay noong isang taon pa, ibig sabihin, hindi mo binura ang mga text niya sa inbox mo. Kaya kung ayaw mong mabisto na head over hills in-love ka pa din sa kanya at hindi mo lang siya biglang naisip, huwag mong gamiting excuse ito.

4. nakita ang dating regalo - Siguraduhing ang babanggiting regalo ay iyong pinaka-mamahalin o di kaya iyong pinaka-memorable na bigay niya para malaman niyang mahalaga ang mga ito sa iyo.

5. gusto mong magpalit ng radyo ng kotse mo at nais mong hingin ang opinyon niya - Magandang excuse ito dahil sa siguradong matutuwa ang EX mo. Bukod kasi sa mga babae, kotse ang isa pang kinalolokohan nila.

6. nabasa mo ang isang pocketbook na kapareho ng istorya ninyo - Maganda din siguro kung isama mo na sa email mo yung title saka kung sino ang sumulat ng libro baka kasi isipin niya na ikaw ang sumulat nito, lumaki pa ulo non!

7. nadinig sa radyo ang paborito niyang kanta - Sabihin mo na din kung ano yung title nung kanta na yon para naman hindi ma-obvious na excuse mo nga lang ito pero make sure na siguradong siya ang may paborito nung kanta hindi iyong isa mong ex.

8. nakita mo sa friendster ang profile niya - Isa pa itong excuse na kung wais ang ex mo ay maiisip niyang style mo din lang ito kasi unless na kasama siya sa network of friends mo, sa dami-dami ng mga sumali sa friendster, hindi mo lang basta-basta makikita ang profile niya maliban na lang kung nag-search ka para sa profile niya.

9. may nakitang kamukha sa simbahan - Hmmm... original itong excuse na ito. Pwedeng-pwede talaga itong gamitin lalo na kung gusto mong ma-update kung saan na siya ngayon nakatira. Maaari mo kasing tanungin kung doon na ba siya sa malapit sa simbahan na yon nakatira kasi may nakita ka nga na kamukha niya.

10. pumasyal ang nanay mo sa probinsiya nila - Eh ano naman ngayon? Ginamit na din ito sa aking dahilan. Uy, ibig sabihin pala na-mimiss din niya ako. (wink) Nangangarap lang po!

Pero para sa akin, ang pinaka original na excuse ay ang sabihing napanaginipan mo siya . Ang mga panaginip daw kasi ay may ibig sabihin, ito daw ang mga bagay sa iyong subconscious. Minsan naman, isa daw itong paraan upang iparating sa isang tao ang isang mensahe - ito ang pwede mong gamitin na dahilan sa iyong email. Napanaginipan mo siya kaya naisip mo na kumustahin siya. Nagamit ko na ito noon pero totoo naman kasing napanaginipan ko siya.

O hindi ba, hindi naman garapal? Kanya-kanya lang namang style talaga yan pero kung malakas ang loob mo, pwede mo din namang diretsahing sabihin sa kanyang miss mo nga siya. Paalala lamang, ihanda din ang sarili na baka isnabin lang ng EX mo iyong email mo pero kung sagutin niya, eh di masaya!

Posted by nikki:: 9/14/2005 12:05:00 AM



Saturday, September 10, 2005

For Mama

Everytime people say we were raised well, they don't seem to remember that you practically raised us by yourself during our formative years because Papa was always away. Of course we always felt his presence even if he was not always with us because you would insist that we write to him almost every week and that we talk to him at least once a month but it was you who were with us everyday, watching as we interact with our playmates, buying the things we need, helping us with our homeworks and disciplining us when we needed to be disciplined. Maybe that is why when we were growing up, you were always the "bad" parent for me because you were the one who always scolded me whenever I did something wrong. I also always thought you loved my brother more than me because you seem to favor him more than me. But now I realize that it is not because you love me less but because I really am a papa's girl that I can get away with almost anything with Papa (hehehehe!).

I know I don't tell you often but I really appreciate your sacrifice for us. You left behind your career as a teacher and opted to stay home with us when we started living here in Manila. Even though we had maids, you still made it a point to wake up early so that you can fix my hair and bid us goodbye as we board the school bus at 5:00 in the morning. When I was in college, during medical school and residency, you never once demanded from me that I help out around the house even if we didn't have maids because you saw how hard I was studying hence you want me to just sleep and rest whenever I can.

You may not tell us often but I know you are proud of what me and my brother has become. I can see the glow in your eyes when people tell you you and Papa are so lucky or when you introduce us to people. I know sometimes we argue about things but I guess its just natural because you and Papa raised us to have minds of our own.

Today, on your birthday, I want you to know that I really appreciate all that you have done for us. And yes, you are right, we will all be lost without you. I love you very much. HAPPY BIRTHDAY!

Posted by nikki:: 9/10/2005 12:15:00 AM



Tuesday, September 06, 2005

Only in the Philippines

DISCLAIMER: Ang mga mababasa ninyo dito ay pawang mga opinyon ko lamang. Hindi ko layunin ang sirain ang kahit na sinong tao, ako ay nagbibigay lamang ng aking pananaw sa mga pangyayari.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magmamaktol sa kainisan sa mga pangyayari ngayong araw na ito. Gaya ng karamihan ng mga Pilipino, ilang linggo ko ding sinisilip-silip ang mga debate tungkol sa impeachment ni GMA. Hindi na mahalaga ngayon kung ako ay pro o against sa impeachment na ito. Kaya lang, kalabisan na yata yung gawing joke ang isang napaka-importanteng bagay. Kinabukasan ng buong bayang Pilipinas ang pinag-desisyunan sa Kongreso pero tama bang gawing katuwaan ito? Tama bang gawing sugal "in the spirit of fun" ang resulta ng botohan sa Kongreso para sa impeachment ni Presidente Arroyo? Isa sa mga hinahangaan kong katangian ng mga Pinoy ang pagiging masayahin natin, kahit anong problema kinakaya natin dahil marunong tayong pagtawanan ang ating problema. Ngunit sa palagay ko, kalabisan nang gawing joke ang impeachment na ito. Kung sana isang ordinaryong mamamayang Pilipino ang naka-isip na nagpataya sa mga tao kung ano ang magiging huling numero sa score ng impeachment voting na ito, oo, matatawa ako at hahanga dahil isa na naman itong patunay na kakayanin natin itong pagsubok na ito sa atin dahil nakukuha pa din nating magkatuwaan. Pero kapag ang katuwaan ay galing na mismo sa Office of the Press Secretary ng Presidente ng Pilipinas, hindi na iyon nakakatawa. If this is the Palace's idea of a joke, it is not funny at all. Hindi ba't isa itong insulto sa Kongreso at sa mga mamamayang Pilipino? Dapat kayong mahiya sa inyong mga sarili dahil sa ginawa ninyong katuwaan lamang ang magiging kinabukasan ng inyong mga anak at mga apo. Sa mga paliwanag ng mga Kongresista sa kanilang mga desisyon, ginamit nila ang mga salitang "the voice of the people" mayroon pang, "the voice of God". Kung ganon, katawa-tawa pala ang boses ng sambayanan at ang boses ng Diyos kasi nakuha nilang gawing sugal ito, all "in the spirit of fun".

Naaawa ako sa mga batang kapapanganak pa lamang dahil hindi ko alam kung ano ang bukas na haharapin nila kung ang mga namumuno sa ating bansa ay mga taong ganito ang isip. Nawawalan na ako ng pag-asa sa bayan ko, iniisip ko nang lisanin siya dahil pakiramdam ko, talong-talo ako. Ngunit matigas ang aking paniniwala na may hangganan din ang lahat at hindi natutulog ang Diyos.

Posted by nikki:: 9/06/2005 11:54:00 PM



Saturday, September 03, 2005

Patricia Louise

Tricia, inside the nursery

Mahal kong Tricia,

Ang bilis ng araw! Parang kailan lang, inip na inip na kami sa pagdating mo. Wiling-wili kami ng Daddy at Mommy mo sa pamimili ng mga gamit mo. Napagalitan pa nga kami nina Mama Lola at Papa Lolo dahil sobrang dami daw ng mga binili namin. Pero alam mo, hanggang sabi lang nila yon kasi alam kong sila din natutuwa na makitang unti-unti nang naiipon ang mga gamit mo.

Noong araw na ipinanganak ka, pagod na kaming lahat kasi ang tagal bago ka lumabas pero noong nakita ka namin, sulit na sulit ang pagod namin. Ang ganda-ganda mo kasi! Nakahinga ako ng maluwag dahil isa kang perfect na baby. Saan ka ba naman nakakita ng baby na paglabas pa lang ay nakadilat na ang mga mata at nagreklamo na na para bang nagsasabing "inistorbo ninyo ako!". Sa nursery, naging paborito ka ng mga nurses kasi napaka-bait mong bata. Iiyak ka lamang kapag gutom ka o di kaya'y basa. Nakakolekta ka ng madaming tita sa dami ng dalaw mong mga nurse at doktor. Manghang-mangha sa iyo sina Daddy at Mommy, nagtatalo kung sino ang kamukha mo. Ang kulit nila ano? At hindi pa nila alam kung ano ang gagawin nila sa iyo. Natakot din kami kasi kinailangan mo pang bigyan ng antibiotic tatlong beses isang araw sa loob ng isang linggo dahil nagkaroon ka ng infection, ikaw din ay nanilaw dahil sa magka-away ang dugo ninyo ni Mommy pero dahil sa mahal ka namin, nagtiyaga kaming paarawan ka tuwing umaga at turukan ng antibiotic.

At ngayon, 10 days old ka na! Sa awa ng Diyos ay magaling na ang iyong infection . Ang dami mo na ding ipinagbago! Lumaki ka na at unti-unting tumataba. Kulang na kasi sa iyo ang 2 onsa ng gatas. Mabait ka pa din namang baby pero may mga kaunting kalokohan na din. Nung isang araw, niloko mo kami ni Mommy, pinapalitan ka na namin ng diaper tapos biglang umihi ka ulit. Maski sa pagtulog, madalas kang sumisimangot. Naiinis ka kapag hindi ka makatulog at gustong-gusto mo kapag pinapatulog ka na nakahiga sa dibdib namin.

Tricia, 10 days old

Sa iyong pagdating, nabago ang ikot ng mundo namin. Palagi na kaming nagmamadali ngayon na umuwi para makita ka at makarga. Kung dati ang madalas kong pinupuntahan ay sa Ladies Section ng mga malls, ngayon, mas nauuna ko nang puntahan ang Babies Section. Noong isang araw, hindi ko napigilan na ibili ang kinita ko sa klinik ng mga damit mo. Sabi nila, napaka-swerte mo daw. Tama sila kasi ang daming nagmamahal sa iyo. Pero alam mo, kinakabahan din ako kasi hindi ko alam kung anong mundo ang naghihintay sa iyo sa paglaki mo. Sana lang ma-protektahan ka namin sa kung ano man ang dumating sa iyong hindi maganda. Sana mapalaki ka namin ng may tiwala sa sarili, pagmamahal sa kapwa at higit sa lahat may takot sa Diyos.

Magpapakabait ka palagi. Huwag ka nang maghahanap ng kakampi sa kung saan-saan dahil nandito lang kami palagi sa tabi mo. Mahal na mahal ka namin!


Mama Nikki

Posted by nikki:: 9/03/2005 08:48:00 PM