Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Friday, April 29, 2005

missing you...

di ko alam kung papaano ipapaliwanag o kung san ako mag-uumpisa
basta ang alam ko...

gusto ko laging nadidinig ang boses mo
kapag tinatawag mo ako o kapag nagkukwento ka

gusto ko ako ang nag-aasikaso sa'yo,
yung pagkain mo, yung mga gamit mo pati na mga gamot mo

gusto ko palagi kang masaya,
walang problema at di kumukunot ang noo

gusto ko lagi kitang pinapanood,
kapag natutulog ka o di kaya'y may ginagawa

gusto ko laging nakikita ang iyong mga mata,
kapag may sinasabi ka sa akin o kapag nagkakatitigan tayo

ewan, di ko maintindihan.... di ko alam,
basta ang alam ko.... miss kita!

Posted by nikki:: 4/29/2005 08:42:00 PM
|

---------------oOo---------------

 

Comments: Post a Comment