Sunday, July 31, 2005
Dyaryo, dyaryo! Bili na kayo ng BANDERA! "Grow old along with me! The best is yet to be." THE HIPPOCRATIC OATH respirator/ventilator
Ang kaibigan kong si KAREN ay isa nang ganap na kolumnista! Nasa Canada siya pero ang kanyang column ay mababasa nyo sa Bandera. Sana suportahan natin siya lalo na sa mga kaibigan ko dito sa Pilipinas.
Karen ganda, congratulations! More power to you! And yes, bibili ako. Sayang nga lang at na-miss ko yung debut mo. I-propromote din kita dito, pwamis!
Basahin niyo ang kwento dito
Posted by nikki::
7/31/2005 12:04:00 AM
|
Saturday, July 30, 2005
Bata, Bata, saan ka papunta?
(Salamat kay Kaibigang ISABELA at na-stimulate na naman ang aking utak...)
Noong isang araw lang, habang naglalakad ako galing ng clinic, may nakasalubong akong limang bata, mukhang mga edad lima o anim na taon. Madudungis, yung isa walang saplot pambaba, pawang mga nakayapak at naghahabulan sa kahabaan ng isang mataong lugar sa Maynila. Sunod-sunod ang mga kotse, tricycle, pedicab at mga kalesang dumadaan. Naisip ko, ang lawak naman ng playground nila! Nasaan kaya ang mga magulang nila?
Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga batang ito. Hindi ako magugulat kung isang araw, makita ko sila sa emergency room ng ospital, umiiyak dahil nabundol sila. Nalulungkot din ako para sa mga batang ito. Tama nga lang na sila ay maghabulan kasama ng mga kalaro, ngunit hindi tama na maglaro silang nanlilimahid sa kalye. Nalulungkot ako dahil alam kong ang maiiwang alaala ng kanilang kamusmusan ay ang alaalang ang kalye ang kanilang playground, ang mga taong nakakasalubong nila ay umiiwas dahil sa kadungisan nila, hindi sila naturuan kung paano magbilang at bumasa at hindi sila nakatikim ng pagkain sa Jollibee.
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin sa puntong ito. Mabuti kung ang mga batang ito ay napapabayaan ng kanilang mga magulang dahil sila ay nasa kalye din at naglalako ng dyaryo o basahan o di kaya'y bumibyahe ng pedicab. Pero paano kung nasa bahay din lang sila, tulog at amoy alak? Sana hindi na lang sila nag-anak kung ganito din lang naman ang kahihinatnan ng mga batang ito. Sana kahit na nag-anak sila kung magsipag sila upang may maibigay sila sa mga pangangailangan ng mga anak nila. Sa isang banda, dapat ba ang gobyerno ang sisihin? Kung sana sa halip na mangurakot at bumili ng mga Pajero, Expidition o BMW ay nag-iisip na lamang sila ng mga programa upang mapabuti ang kalagayan ng bansa, mababawasan sana ang mga batang ganito.
Alam kong walang magagawa ang aking awa sa kanilang sitwasyon. Matulungan ko man sila sa aking munting paraan, hindi ko pa din sila kayang pakainin, bihisan at papag-aralin. Pero kaya kong mangarap, umasa at magdasal para sa kanila na balang araw, magbabago din ang lahat.
Posted by nikki::
7/30/2005 01:02:00 AM
|
Wednesday, July 27, 2005
for my brother
- Robert Browning
i don't really remember much about how things were when you came along. but mama said i was so excited to see you. i just had my 1st birthday and i couldn't even reach mama's hospital bed. smart that i was
as we got older, the fights became less frequent. we always sticked together during some of our "escapades". you were not a sweet little brother but you were always ready to help me. you went thru the usual teenage phase and preferred to be with friends but in your own way, you were always there for me.
i know you sometimes think that i am the pampered one, and i admit that this is true sometimes but you never took that against me. i know you suffered more than i did when we were at the lowest point of our family life and although sometimes you complained about it, you always did what you were expected to do. when we recovered from it, we all became closer to each other. rejoicing together in every triumph and cheering each other up in every failure.
more than two years ago, you went thru a lot. i didn't agree with most of the things you did but i understod why you did it. i knew i would get in trouble if i was found out but there was no way i wasn't going to help you out. it was breaking my heart to see what you were going thru but i couldn't do anything because it was your choice. through it all, you still emerged victorious. i admire you for that. you showed us that you are one strong, determined young man.
in a few weeks, you will be starting another chapter of your life. i know you're going to be a wonderful father. seldom will you see a soon-to-be father as excited and as involved as you are in the preparations. your baby is lucky indeed to have you. i know your kids will grow up to be responsible and God fearing adults because you are their model.
we still have our arguments from time to time but i know in my heart that whatever happens, we will always be there for each other. i just wish that when i am old and gray, you will still be there to hold my hand and comfort me.
happy birthday lan! i love you and i am very proud of you!
Posted by nikki::
7/27/2005 12:31:00 AM
|
Monday, July 25, 2005
my NOT SO secret friend
i am bored,
i am nostalgic
can you help my restless soul?
i am weary
i am sad
can you help my restless soul?
you make me laugh,
you make me cry,
you make me wonder why.
i didn't search for you, my friend
you came unexpectedly
and soothed my restless soul.
you know sometimes how you just want to get out of the situation you are in? you want a change of scenery but you cannot afford to because you have responsibilities. and then comes someone who has problems of his own willing to talk you out of your current mood. no malice, no strings attached. you just want someone you can talk to without pretending to be another person, someone who will not judge you when you say something he doesn't agree to.
i found that person in you! here's hoping we can be each other's cushion everytime we stumble. thanks b!
Posted by nikki::
7/25/2005 11:33:00 PM
|
Saturday, July 23, 2005
an angel by our side
earlier today, i had the scariest time of my life and just thinking about it still makes me shudder. my brother and i only get to really spend time w/ each other during weekends. so even before he got married, it was an unwritten rule for us to hang out w/ each other during weekends. a trip to the mall, an occasional movie and now that my sister-in-law is expecting, a trip to her obstetrician.
we left the house before 9 am to make it to the doctor's appointment at 10 am. we even had baon to eat inside the car on the way to the hospital. everything went smoothly and we excitedly went home with the knowledge that we will be seeing baby tricia (as we fondly call the baby) in about 4 weeks time (with God's grace). we were excitedly chattering about our elementary days ala "ah wala kayo sa lolo ko..." and who would baby tricia look like when there was a sudden screech of brakes and i was thrown forward from the backseat as we were about to cross a major intersection.
a west-bound 6 wheeler truck, whose driver i think may not have been paying so much attention to the road (because he may have been playing around w/ his buddies) was coming to us very fast while cars on the opposite lane were slowly crossing the same intersection. just at the nick of time, the truck driver braked. the truck narrowly missed the other car and our pick-up truck. if he saw us a minute later or if his brakes malfunctioned, all four of us including baby tricia and the other occupants of the other car may have been knocking on heaven's door (i hope its heaven) by now. it was like slow motion, my brother saw the truck coming but there was no way out since cars were everywhere. later he said, he was just waiting for the impact. the driver didn't even look like he was sorry for the near accident because he was laughing when my brother reprimanded him.
when we got home, i asked my parents to hug us then recounted the incident to them. my father was so mad, he said he would kill the driver if something happenned to all of us. perhaps in our gratefulness that nothing happenned, we didn't even remember to get the truck's plate number so that we can report the driver to the proper authorities for reckless driving.
thank God our angels were intently watching over us...
Posted by nikki::
7/23/2005 11:13:00 PM
|
Friday, July 22, 2005
sandali lang...
I swear by Apollo Physician and Asclepius and Hygieia and Panaceia and all the gods and goddesses, making them my witnesses, that I will fulfil according to my ability and judgment this oath and this covenant:
To hold him who has taught me this art as equal to my parents and to live my life in partnership with him, and if he is in need of money to give him a share of mine, and to regard his offspring as equal to my brothers in male lineage and to teach them this art - if they desire to learn it - without fee and covenant; to give a share of precepts and oral instruction and all the other learning to my sons and to the sons of him who has instructed me and to pupils who have signed the covenant and have taken an oath according to the medical law, but no one else.
I will apply dietetic measures for the benefit of the sick according to my ability and judgment; I will keep them from harm and injustice.
I will neither give a deadly drug to anybody who asked for it, nor will I make a suggestion to this effect. Similarly I will not give to a woman an abortive remedy. In purity and holiness I will guard my life and my art.
I will not use the knife, not even on sufferers from stone, but will withdraw in favor of such men as are engaged in this work.
Whatever houses I may visit, I will come for the benefit of the sick, remaining free of all intentional injustice, of all mischief and in particular of sexual relations with both female and male persons, be they free or slaves.
What I may see or hear in the course of the treatment or even outside of the treatment in regard to the life of men, which on no account one must spread abroad, I will keep to myself, holding such things shameful to be spoken about.
If I fulfill this oath and do not violate it, may it be granted to me to enjoy life and art, being honored with fame among all men for all time to come; if I transgress it and swear falsely, may the opposite of all this be my lot.
oo nga't sumumpa ako na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang gamutin ang mga maysakit at gagawa ng paraan upang maiwasan ang kanilang pagkakasakit pero hindi kasama sa sinumpaan ko na lahat ng oras ko ay ilalaan ko sa kanila. kailangan ko din naman kumain at bigyan ng oras ang aking sarili at ang aking pamilya. oo nga't doktor ako pero gaya nila, tao din ako. katulad nila, mayroon din akong mga pangangailangan, mga pangarap at higit sa lahat, mayroon din akong damdamin. nagugutom , nagkakasakit at nangangailangan din naman ako ng pahinga.
mayroon kaming itinalagang oras kung kelan kami nasa klinik. kadalasan, hindi bumababa sa isang oras ang aming mga clinic hours at iyon ay ipinapaalam namin sa mga pasyente at kamag-anak ng mga pasyente. kaya naman kung may dumadating kung kelan lagpas na sa itinalaga naming oras, hindi namin maiwasan ang mainis. lalong-lalo na kung tatawagan nila kami upang huwag munang umalis sa klinik at antayin silang dumating dahil kakagising lamang ni baby. ang sa akin lamang, pwede namang dalhin si baby sa doktor kahit siya ay tulog. nagbibigay din naman kami ng konsiderasyon lalo na kung ito ay emergency pero kung ang appointment naman ay matagal nang itinakda ng inyong doktor, sana naman dumating kayo sa tamang oras.
alam ko namang kung hindi dahil sa mga pasyente ay wala din naman akong ipambibili ng pagkain kung ako'y nagugutom. mahalaga sa akin ang aking mga pasyente at tunay namang inaalagaan ko silang mabuti. ngunit sana naman, maunawaan din nila na hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan ako.
Posted by nikki::
7/22/2005 11:10:00 PM
|
Thursday, July 21, 2005
doktor ang anak ko
OB: mister, mukhang kelangan nating mag caesarean section kay misis doctor. ayaw bumaba ni baby eh tapos medyo bumabagal ang heartbeat ng baby saka mukhang nakadumi na siya sa loob ng tiyan ni misis doctor.
MISTER: bakit po nagkaganon?
OB: minsan talaga, nangyayari na yan. wala naman tayong ibang problema. hindi naman malaki yung baby according sa ultrasound ni misis doctor.
MISTER: sige po. kung ano po ang mabuting gawin, gawin na lang po.
PEDIA: mommy, tita doctor, may ear infection si J. bibigyan ko siya ng antibiotic, kelangan inumin niya ito ng 10 days.
MOMMY & TITA: ok po. salamat po.
After 10 days...
MOMMY: doktor, parang may ear discharge pa rin ang anak ko.
PEDIA: (pagkatapos eksaminin si J) meron pa din nga. baka resistant sa antibiotic natin yung organism sa ear ni J. palitan natin ha, for severe ear infection na ito. ibalik mo siya sa akin after 5 days, check ko ulit siya. pero gusto kong mag-request ng ear discharge culture. punta kayo sa laboratory at ipagawa mo ito. (sabay bigay ng request)
After 5 days...
PEDIA: mommy, iyong ear discharge culture ni J may tumubo. kaya pala naka-dalawang klase ng antibiotic na tayo, ayaw gumaling kasi resistant yung organismo sa lahat ng mga oral antibiotics. kailangan i-inject yung antibiotic.
TITA DOCTOR: ano ba yan, bakit naman puro resistant sa antibiotic yang alaga mo J.
MOMMY: (halik kay J) kawawa naman ang anak ko...
TITA DOCTOR: ganyan talaga, wala tayong magagawa.
Sa loob ng operating room...
SURGEON: okay na ba? pwede na ba akong mag-umpisa?
ANESTHESIOLOGIST: sir, subukan mo nga itaas itong mga paa mo.
DADDY: (itinaas ang dalawang paa)
ANESTHESIOLOGIST: sige, magbibigay pa ulit ako ng gamot sir ha. (inihanda ang
pasyente at nagbigay ng gamot)
DADDY: (hindi umiimik)
After 15 minutes...
ANESTHESIOLOGIST: subukan nga po ninyo ulit itaas ang mga paa ninyo.
DADDY: (itinaas ang paa)
DOCTOR SON: daddy, ayaw tumalab ng anesthesia sa iyo ah.
ANESTHESIOLOGIST: oo nga eh, maximum dose na naibigay ko. bibigyan ko na lang din siya ng pampatulog, closely monitor na lang natin si daddy.
ilan lang ito sa mga nangyayari sa klinika ng mga doktor. minsan, nakakadala manggamot ng mga kapwa doktor o kamag-anak ng mga doktor. kadalasan kasi, nagkaka-problema. ito yung tinatawag naming doctor syndrome o extension syndrome. yun bang, kahit pagbigay na lamang ng laboratoryo ng resulta sa mga eksaming ipinagawa mo, nagkakamali pa. o kaya minsan yung lahat ng pwedeng mangyaring kapalpakan sa isang pasyente ay nangyayari. minsan naman, yung mga hindi mo inaasahan na mangyari, nangyayari at hindi mo alam kung bakit tapos wala ka talagang makitang posibleng dahilan. siyempre nga naman, kung alam mong may kamag-anak na doktor yung pasyente mo, gusto mo magamot mo agad ang pasyente. kaya lang sa hindi namin malamang kadahilanan, pati yata mga bituin sa langit ay kumokontra at wala kang magawa kundi umiling na lamang. kahit na sino ang tanungin ko, hindi ako mabigyan ng paliwanag. ang mahirap pa nito, paano mo ipapaliwanag sa pasyente o di kaya'y sa ibang kamag-anak ng pasyente kung bakit nagkakaganoon? baka isipin pa nila, malas kang doktor!
kung kayo ay doktor, may magulang na doktor, anak na doktor o basta kamag-anak ng doktor, minsan kahit kaibigan lang ng doktor; marahil naranasan na ninyo ito.
Posted by nikki::
7/21/2005 02:15:00 AM
|
Tuesday, July 19, 2005
drama club
tapos ko nang basahin ang harry potter and the half-blood prince. 652 pages iyong libro at tinapos ko siyang basahin ng halos dalawang araw lang, hindi ko kasi maibaba ang libro. sa anim na harry potter na libro, ito ang pinaka-gusto ko. kasi dito sa librong ito, may action, drama, love story at may comedy din (depende kung mababaw ang kaligayahan ninyo gaya ko). huwag kayong mag-alala, hindi ko ikukwento kung ano ang nangyari. meron lang akong napatunayan sa aking sarili.
certified drama princess nga ako! kasi naman, maski sa harry potter, umiyak ako. ewan, basta bigla ko na lang naramdaman na nangingilid na ang luha ko. at habang patuloy ang kwento, umiyak na ako ng tuluyan. siguro kasi alam ko kung ano ang pakiramdam ng nawalan. o kung gusto mo ng mas sosyal na sagot, i guess i'm just in touch with my emotions. ah basta, iyakin talaga ako, yun lang yon.
bakit nga ba may mga taong iyakin? meron akong kaibigan, maski kay kris aquino, naiiyak. pero in fairness kay kris, minsan nga naman below the belt na talaga ang mga tira sa kanya. teka, ibang usapan na yata yan. meron naman akong kakilala, umiiyak na lahat ng nasa paligid niya, dead ma pa rin. naisip ko, yung mga taong madaling umiyak madali din kayang tumawa? mas masaya kaya sila kesa sa mga taong bato?
Posted by nikki::
7/19/2005 12:18:00 AM
|
Sunday, July 17, 2005
quiz #2
TEACHERSOL gave me another quiz yesterday...
WHAT ARE THE THINGS YOU ENJOY EVEN WHEN NO ONE AROUND YOU WANT TO GO OUT AND PLAY?
i would really enjoy walking along the beach but since i am living in the city, that would be hard for me to do. i guess it would be walking in a mall. i love shopping and window shopping! most of the time though, i end up buying something even as simple as a Php 50 toy for my clinic.
WHAT LOWERS YOUR STRESS/BLOOD PRESSURE/ANXIETY LEVEL? MAKE A LIST, POST IT IN YOUR JOURNAL.
aside from shopping (which is my ultimate anti-depressant), i love...
1.) blogging - i find this very relaxing. its like i am transported into a different world. it helps me to express my happiness/sadness/excitement. i also get to interact w/ my blogger friends.
2.) being w/ my family - i'm very close to my family. we do have disagreements every now and then but i wouldn't trade my family w/ anyone else's.
3.) talking and being w/ my friends - although i value my time alone, i also love sharing stories, jokes and life experiences w/ friends.
4.) reading - this is what you will find me doing inside my room before i got addicted to blogging. i love reading novels (mostly romantic novels but i do read other kinds of books too). inside my room, you can find one wall with a bookshelf full of books.
5.) listening to music and singing along w/ it - yan ang isa ko pang secret wish - be a singer. :-D kaya nga i so love my new baby (as you can see on my wish list, crossed out na yung iPod mini :-D) kasi i can bring my music now anywhere i go.
6.) playing w/ kids - siguro nga kaya ako nag-pedia because i love kids (except syempre yung mga super kulit at pasaway na mga bata).
7.) sleeping - when i feel bad, i sleep it off!
TAG 5 FRIENDS AND ASK THEM TO POST IT IN THEIRS.
tintin
pradamama
jaleesa
roland
joebert
i hope you all have time for this. thanks!
Posted by nikki::
7/17/2005 09:31:00 PM
|
alas-singko pa lang, halos ma-maos na ako! fifteen hours pa bago matapos ang duty ko. sa emergency room naman ako ngayon na-assign, mag-iisang daan na yatang pasyente ang kumunsulta sa akin ngayong araw na ito. pero ayos na din yon kasi wala namang kakaibang nangyari pa. yung ka-grupo ko na duty kahapon, dinatnan ng isang batang may sakit sa puso na hingal. nung duty naman ni partner jo sa ER, may dumating namang bata na nagsuka ng maraming b****e! yuck!
kanina, may dumating na batang lalaki na kay dungis kasama ng nanay. payat at ubo ng ubo, pitong taon na siya pero mukha siyang limang taon lamang. pagkatapos kong interbyuhin ang nanay, kina-usap ko ang bata, nagpaalam ako na iiksaminin ko siya. tingin sa mata, silip sa ilong at bibig, hipo sa leeg. hmmm... ang daming dikit-dikit na kulani! suot ng stethoscope, kinig sa kaliwang bahagi ng dibdib tapos sa likod naman. naku, ang daming tunog nilulukot na papel sa likod ng batang yon! ibig sabihin, madaming plema at may pulmonya na ang bata.
"nanay, madalas ba mag-ubo't sipon itong si junior?" tanong ko.
"naku, doktora halos hindi po nawawalan ng ubo!" sagot ni nanay.
haaay... mukhang isa na namang biktima ng primary complex (tawag namin sa TB ng bata). dito sa pilipinas, hindi na kataka-taka kung magkaron man ng TB ang mga anak natin kasi laganap talaga ang TB dito. pero tiyak, nahawa sa isang matandang may TB si junior kasi hindi naman nakakahawa ang isang batang may primary complex kaya siguradong hindi sa kalaro galing yung sakit. kailangan ng anim na buwang gamutan ito pero para makatiyak, binigyan ko ng request para sa chest x-ray si nanay at sinabihang bumalik kapag may x-ray sila. muntik ko pang makalimutang ibigay yung resetang gamot ni junior kasi naman yung isang bagong dating na nanay nangungulit na tignan ko na daw yung nagsusuka niyang anak.
pagkalipas ng dalawa't kalahating oras, halos nagtatatakbo na ako papuntang canteen kasi magsasara na sila, hindi pa ako kumakain. mabuti na lang at mabait yung ka-duty kong nurse sa ER, naalala na hindi pa pala ako kumakain simula nang sumubo ako ng sandwich kaninang tanghali. may kumalabit sa akin mula sa likuran, aba! si nanay at si junior!
tanong ni nanay, "doktora, saan ho ba ang ekstray dito?"
"ha? ano po yun?"
"saan po ba ang ekstray dito? gusto ko na po kasing ipa-ekstray (sabay tingin sa binigay kong request) si junior kasi bubugbugin ako ng tatay nito kapag di ko pa pinaekstray."
sabi ko, "ahhh... x-ray po!"
ngek! akala ko naman kung ano yung tanong ni nanay! sorry na lang siya, di ko din alam kung saan kasi ikalawang araw ko pa lang dito sa ospital.
Posted by nikki::
7/17/2005 12:01:00 AM
|
Saturday, July 16, 2005
shameless plugging po!
syempre, umandar na naman ang aking pagiging stage ate! nahawa ko yata ang kapatid ko sa aking pagiging blog addict kaya eto at may sarili na din siyang
blog.
sana hop din kayo sa kanya! thanks!
Posted by nikki::
7/16/2005 02:09:00 AM
|
kaibigan, ma-mimiss ko...
ang iyong mga kwentong punong-puno ng kabuluhan
ang iyong pagpapatawa, joker pero may gustong iparating
ang iyong mga komentaryo, nakakapagbigay ka ng ibang
anggulo sa bawat isinusulat mo
ngunit umaasa ako na ito'y panandalian lamang dahil hindi na magiging katulad ng dati itong kakaibang mundong ginagalawan natin kapag ikaw ay nawala.
unang talata pa lang ng iyong post, nalungkot na ako kaibigang ISABELA. nabigla ako sa iyong pag-papaalam. kung kelan gumaganda ang ating pagkakaibigan, saka ka naman magpapaalam. pero naiintindihan kita. kakaunti lamang ang mga katulad mo na consistent sa kanilang mga pagsusulat at pag-cocomment, iyon ang isa ko pang ma-mimiss sa iyo.
kung meron kang visitor tracker sa blog mo, makikita mong dumalaw na ako dati sa iyo bago pa kita nakilala sa blog nina patrice at teachersol. nakita ko kasi yung banner mo sa pinoyblogger. naalala ko nung una akong dumaan, hindi ako nagtagal kasi akala ko mga kwento lang tungkol sa pag-ibig ninyo ng iyong si S ang mababasa ko doon. at kung magiging matapat ako sa sarili ko, aaminin kong naintimidate ako noong bumalik ulit ako sa blog mo kasi mukhang mahirap kang abutin. mali pala ako! oo, kwento nga ng pag-ibig ang nabasa ko ngunit hindi lamang kay S kundi sa pilipinas, sa iyong pamilya at iyong mga kaibigan. bukod doon, maraming katotohanan tungkol sa buhay ang nabasa ko na minsan ay ayaw nating aminin. at lalong maling-mali ako sa pag-aakalang mahirap kang abutin dahil isa ka sa mga bloggers na unang yumakap sa akin. katulad ng ibang blog na madalas kong puntahan, madami akong natutunan sa pagbabasa ng blog mo. malalim ka kasi mag-isip at may kakaibang istilo ng pagsusulat. sayang, kung sana noong una kitang dinaanan ay nagtagal ako ng kahit limang minuto pa, sana nakilala na kita noon pa. pero natutuwa ako at kahit sa maikling panahon ng ating pagkakakilala ay itinuring mo akong isang tunay na kaibigan.
maraming salamat isabela sa lahat ng sinabi mo sa akin doon sa post mo at pati na din sa mga comments mo. nakakataba ng puso! mas pagbubutihin ko ang pag-aalaga ng mga bata na makikita ko sa aking clinic para hindi kita mabigo.
sana paminsan-minsan ay dadalawin mo pa din ako. good luck sa iyo at hihintayin ko ang iyong pagbabalik i will not say goodbye my friend, but say till next time! God bless!
p.s.
sino ba kasi yang boss mo na yan? ipakilala mo
nga sa akin at nang mabatukan! :-D
Posted by nikki::
7/16/2005 01:20:00 AM
|
Tuesday, July 12, 2005
breast cancer
a very good friend's sister has been diagnosed a few days ago with metastasis to the brain, bone, lungs and lymph nodes. she is only in her early 20's, had the whole affected breast removed and just completed her chemotheraphy last year. she had whole life ahead of her. if only she paid more attention to the numbness on her right arm, if only she went to her doctor regularly, not when she had difficulty breathing already, if only she had an x-ray done. i know there are a lot of if onlys in her mind right now. but i know if there are people are berrating themselves of these if onlys, it would be her 2 doctor sisters. they knew they had a very strong family history of cancer but they overlooked this. maybe because the didn't expect it to happen to someone so young. it pains me to see my once lively friend turn into a constantly red-eyed person. i haven't seen her yet since her sister's last visit to the oncologist but i was told that the prognosis is not good. i don't know yet how her family and her sister reacted to the bad news or what they want to do next. my heart goes out to them.
being a doctor, i have been exposed to different scenarios like this. a friend once asked me, "you must be so used to seeing people die, do you still feel anything?". i am just human, yes, i feel sad too. infront of our patients' relatives we have to maintain a front, what they do not know is that we too feel their pain.
no matter how hard we try, it is only God who can decide when we have to go. we do not have full control of our lives because we do not own it. it is easy to say, don't worry, she's in a better place now where there is no pain. but who can fill the void left behind by a loved one? who can fill the empty space on the bed? in the closet? the chair?
if you want to know more about breast cancer, please visit the breastcancer.org website
Posted by nikki::
7/12/2005 08:53:00 PM
|
to all pinoy/pinay teachers out there who would like to network with each other, please join pinoy teachers network.
to know more about the group, click here or you can visit their website.
thanks! God bless us!
Posted by nikki::
7/12/2005 06:08:00 PM
|
Monday, July 11, 2005
ang kulani
"oh my gosh nikki! kadiri talaga sa ward! sana hindi ka mag-rotate ng pedia doon!"
ito ang sabi ng sosyal kong kaibigan sa akin noong nagkita kami. hmp! lahat naman sa kanya kadiri eh. palibhasa nakatira dun sa village sa likod ng ayala heights kaya ayun, nahawa sa kasosyalan ng mga tao doon.
hindi ako madiriing tao, medical technology nga ang pre-med course ko kaya sanay na ako sa mga kalunos-lunos na bagay. pero mukhang magbabago ang isip ko kasi pagpasok ko pa lang doon, napabuntong hininga na ako. kaya lang naisip ko, kailangan ko itong experience ko dito kaya dapat magtiis ako. pumunta kami ng mga kasama ko sa opisina ng pediatric department at doon kami ay kinausap ng chief resident, ipinaliwanag kung ano ang mga dapat naming gawin at kung saan kami ipapadala. una akong pinag-duty sa nursery...
suot ang amoy downy kong scrub suit, pumasok ako sa pinto ng nursery, sumilip sa glass na bintana habang naghuhugas ng kamay (kelangan ito para ma-disinfect ang aking kamay kasi hahawak ako ng mga bulilit), grabe sa dami ng baby! ito yung mga ilang oras pa lang naipapanganak kaya wala pa sila sa tabi ng mga nanay nila.
nagkakagulo sila, tumatakbo yung isang nurse saka isang nursing aide. ahhh, may premature na baby na kakapanganak pa lang. teka lang, may plastic na tubo sa bibig ng baby at may pinipisil na parang isang transparent na bola ng football yung isang nurse para tulungan huminga yung baby. ang bait naman nung nurse na yon at ngumiti agad sa akin!
ha? ako ba ang tinatawag nung duktor? kaya pala ang sarap ng ngiti ng loka-lokang yon, ako pala ang salvation nya! ako pala ang papalit sa kanya sa pagpisil ng ambubag (tawag dun sa mala-bola ng football). nagkakulani na yata ang kili-kili ko at mukha na akong drug addict na dinaanan ng pison sa kakapisil ng bwisit na ambubag na yon ng dire-diretsong dalawampu't apat na oras! kasi naman, government hospital ito kaya wala silang mga respirator para sana maikabit doon ang bata. pasensya na lang ako, ako ang duty kaya ako na muna ang naging human respirator. at take note, wala iyong kainan ha. mga hinayupak na nurses talaga yon! ni hindi man lang naisip na pakainin ako! hindi ba nila alam na kahit alipin nila ako doon sa loob ng nursery, tao pa din akong nagugutom. grrr!
mayaya na nga lang muna si partner jo sa megamall, kakain muna ako bago umuwi. ano naman kaya ang naghihintay sa akin bukas?
Posted by nikki::
7/11/2005 09:11:00 PM
|
Saturday, July 09, 2005
baby sitting paraphernalia
napagod ako kanina! galing kasi kami sa mall ng kapatid ko at ni g, ang aking sister-in-law, namili kami ng iba pang mga gamit ni baby T. nakakatuwang mamili ng mga miniature t-shirts at shorts! at dahil sa sabi nga ng ultrasound, babae ang aking pamangkin, syempre karamihan ng mga pinamili namin ay mga kulay pambabae pero meron din namang mga puting t-shirts. halatang-halata na excited kasi sumobra yata ang napamili namin. nakabili na kasi kami konting damit, baby bottles at kung ano-ano pang gamit noong april pa. nakakatawa kasi takang-taka ang papa ko kung ano yung ibang mga pinag-bibibili namin at halos bawat gamit na ilabas namin mula sa supot/kahon, may comment siya...
1. stackable milk container - ito yung bilog na patong-patong na plastic na pinaglalagyan ng mga nanay ng kung ilang scoops ng milk powder ang kailangan sa pagtimpla ng gatas ni baby at ibubuhos na lamang ang laman nito sa feeding bottle kapag nagugutom na si baby. karaniwan itong ginagamit kapag umaalis sina mommy at daddy kasama si baby.
sabi ni papa: napalaki naman namin kayong dalawa ng walang ganyan noon. dati, dala-dala lang ang lata ng gatas kasama ng scooper sa loob ng diaper bag tapos bubuksan na lang ang lata kapag magtitimpla na ng gatas.
sabi namin: para nga po hindi na kelangang dalhin pa ang lata ng gatas saka para maiwasan na may tumapong milk powder kapag nagtimpla ka.
2. diaper: - hindi naman nagtaka dito si papa kasi naman meron na nito noong ipinanganak kami (yikes!)
sabi ni papa: hindi kayo nasanay niyan noong baby pa kayo, talagang lampin para hindi mag-rashes
sabi namin: tama po yun pero mas convenient kasi yung diaper. kelangan lang talaga, palitan agad ang diaper kapag basa na ito para hindi mag-rashes si baby.
3. bath tub guard: - madaming klase ito, may parang net na ikinakabit lamang sa bath tub ni baby o isang padded plastic/bakal na mukhang lounge chair (yung pang-sunbathing ba) na inilalagay sa loob ng bath tub kung saan ipinapatong si baby kapag siya ay pinapaliguan para hindi na kailangang hawakan pa.
sabi ni papa: ha? bakit noong bata kayo, wala namang ganyan? dati, nakahiga lamang kayo sa isang kamay habang ang isang kamay naman ay sinasabon kayo at pagkatapos ay bubuhusan paunti-unti ng tubig. walang interaction sa pagitan ng baby at magulang kung meron niyang guard na yan.
sabi namin: eh kasi pa, baka madulas si baby sa pagkakahawak tapos mahulog siya sa loob ng tub kaya inilalagay ito. hindi naman mawawalan ng interaction, mas magkakaroon nga ng interaction kasi dalawang kamay na ang pwedeng humawak at humaplos kay baby habang pinapaliguan siya.
4. graco crib na may built in music, light, electronic vibrator at mobile - self-explanatory na yung music, light at mobile. yung shaker naman, iyon ay modern version ng duyan. :-)
sabi ni papa: grabe naman ito, ang daming arte. kayo ang crib nyo lang noon ay kahoy na natutupi yung isang side. may ilaw naman sa kwarto at pwede namang maglagay ng player sa malapit sa crib kung gustong pakinigin ng music si baby T. pangit ding sanayin sa duyan si baby.
sabi namin: para po mas convenient kung built in na sa crib yung mga iyon.
5. unan: - alam din ito syempre ni papa...
sabi ni papa: hindi pwedeng mag-unan ang baby! magiging flat sa likod.
sabi namin: hindi pwedeng walang unan kapag nag-fifeed ang baby kasi baka masamid, mapunta pa sa baga yung gatas.
sabi ni papa: hindi pwedeng milk formula ang i-feed kay baby T hanggat wala siyang isang taon! dapat gatas ng ina.
sabi namin: ok po, fine!
*** sabi ko: oo nga naman, breastmilk is still best for babies. pero studies have shown that babies who have been breastfed at least 6 months already benefit from the protective effects of breastmilk. kaya g, 6 months lang pwede na. dapat din natin kasing isaalang-alang na mahirap ding mag-breast feed kasi minsan wala talagang milk na lumalabas at napaka-hirap nito para sa isang ina na alam na the best pa din ang breastmilk. minsan, ito pa ang nagiging cause ng post-partum depression (pero ibang usapan na ito).
6. baby bubble - ito yung one piece suit na may mga butones o snaps sa may bandang diaper area
sabi ni papa: pangit ang mga one-piece suit kasi mahirap hubarin sa baby.
sabi namin: pa, may butones po ito sa ilalim para madaling magpalit ng diaper saka para madaling hubarin.
7. sari-saring mga plastic na lalagyan at tray
sabi ni papa: para naman saan ang mga ito?
sabi namin: lalagyan po iyan ng mga basa at tuyong bulak at iba pang mga gamit ni baby T para hindi kalat-kalat.
haaayyy... ang dami na ngang pagbabago. tama nga naman si papa, dalawa nga naman ang napalaki nila ni mama ng maayos nang wala ang mga gamit na ito. kung iisipin natin, hindi naman talaga para kay baby itong mga ito, para ito sa mga nag-aalaga kay baby, para mas madali at hindi kumplikado. sana lang, kahit na maging mas high tech na ang pag-aalaga ng mga baby ngayon, sana mapalaki din namin ang aking pamangkin na maging isang mabait at responsableng tao gaya ng pagpapalaki nina mama at papa sa amin.
Posted by nikki::
7/09/2005 11:58:00 AM
|
Friday, July 08, 2005
tawanan mo ang iyong problema
mas magulo na naman dito sa pilipinas. sigurado ako, karamihan sa mga pilipino ngayon ay nakatutok sa kani-kanilang mga tv at radyo para sa mga latest na kaganapan. kanina, isa ako sa mga taong yon, pero ayoko na. naiinis lang ako sa mga palitan ng kung sino-sinong mga pulitiko. umiinit ang ulo ko sa mga insensitivities nila. yung isa, nang hingan siya ng reaksyon tungkol sa pahayag ni ex president cory aquino, sumagot siya na dapat daw natin intindihin si cory dahil babae sya at "she can change her mind". anong ibig niyang sabihin? kasi noong isang linggo lamang, ang hinihingi ni cory ay huminahon tayo tapos ngayon pinapag-bitiw na niya si gma? hindi naman yata tama na sabihin niya iyon. ibig sabihin si senate president drilon ay isang babae din kasi he also changed his mind (noong isang linggo kasi sinabi pa niya na kahit ilipat pa sa iloilo ang palasyo kasi suportado naman si gma ng mga ilonggo tapos ngayon, hinihingi niya na mag-resign na si presidente). madami pa dyan na mga prominenteng mga politiko na pabago-bago ng isip. ibig bang sabihin non, mga babae din sila? ang sabihin mo, hindi lang talaga sila mga tunay na lalaki dahil hindi nila kayang pangatawanan ang kanilang mga prinsipyo.
alam kong madalas ngang magbago ang isip ng mga babae pero hindi naman dapat gawing puntos yon laban sa atin. tayong mga babae kasi, mas emosyonal kesa sa mga lalaki kaya minsan nakakapag-desisyon tayo o nakakapagbitiw ng mga salita in the heat of the moment. pero pagkatapos mapag-isipan ng mabuti, nagbabago ang isip.
napanood ko din kagabi ang isang programa sa tv, pinag-dedebatihan nila kung tama ba na gawan ng jokes ang mga nangyayari dito ngayon. sa akin lang, hindi naman siguro masama na gawan ng jokes yung gloriagate incident. baka naman mabuwang na tayo kapag puro na lang problema ang nasa isip natin. yun ang maganda sa mga pilipino, kahit na kabi-kabila ang mga dinadaanan nating problema, may sense of humor pa rin kaya mas gumagaan ang pakiramdam.
joke time muna!
Rrrrriiinnnggg...
Ate glo: helo garci!
Garci: mam, ikaw pala.
Ate glo: salamat garci sa pagpadala mo ng flowers.
Garci: nagustuhan mo mam? mahal yan.
Ate glo: talaga? ano ba tawag sa flowers na yan?
Garci: yun ang tinatawag na SUSAN ROCES
(ngek!)
DOJ sends baby crib to ERAP's resthouse.
Erap: i did not order any baby crib!
DOJ: this is not for u. this is for gma, she will soon be joining u.
(asa pa! baka galing ke lacson yung crib, di sa DOJ!)
ano ang pagkaka-iba ng malacanang sa chow king?
ang chow king, may rice topping...
ang malacanang, may wire tapping...
(hahahaha! sarap sa chow king!)
p.s.
jokes courtesy of r.o.y., m.d.
Posted by nikki::
7/08/2005 10:20:00 PM
|
Wednesday, July 06, 2005
ang grand ballroom
labis akong nagalak nang ika'y makita
na-miss talaga kita
dali-dali kitang pinuntahan
habang pasili-silip ng dahan-dahan
umupo ako sa harapan mo
ngunit ako ngayo'y nagtatampo
ang lamig pala ng aircon mo!
sabi ko na eh, blog addict na talaga ako. i wrote this poem while supposedly listening to a speaker at a post graduate course in pediatrics at the century park hotel the other day. totoo naman kasing ang lamig ng aircon! lahat ng tao madalas lumabas sa ballroom para pumunta ng cr o maglakad-lakad sa labas at mag-hb (hanap buhay - tawag namin sa pagkuha ng mga samples at give aways ng mga drug companies sa ganitong mga scientific conferences).
madami akong natutunan...
1.) baby shampoos are better coz it is less irritating to the eyes
2.) there's no harm in shampooing our baby's hair everyday
3.) baby wipes are not advisable coz it contains chemicals that can harm your baby's skin, it is still better to use water when cleaning your baby
4.) use sun protection (i.e. protective clothings, hats, sun blocks, etc) especially between 10 am & 2 pm
5.) for children with headaches, ibuprofen and your ordinary paracetamol is safe and effective
6.) for constipated children, give apple JUICE but for those with diarrhea, give the FRUIT
7.) vitamin supplements are actually not needed if our children eats a balanced diet BUT those who are given vitamins would still need to eat a balanced diet
8.) several studies have shown that vitamins do not have an effect on appetite and growth
Posted by nikki::
7/06/2005 10:56:00 PM
|
Saturday, July 02, 2005
blog addict, bow!
ikaw ay isang blog addict kung...
... kapag may free time ka, nagbubukas ka agad ng computer at sumisilip sa blog mo
... habang pauwi galing sa office, iniisip mo na kung ano ang isusulat mo sa blog mamaya
... binabalikan mo ang blog mo apat na beses sa dalawang oras
... ang laman ng history ng browser mo ay puro may .blogspot o .blog-city, ___.net, etc
... ang dating dalawang oras mo online ay nagiging anim na oras dahil sa kakalipat-lipat sa mga blogs
... hindi mo napapansin na alas-tres na pala ng madaling araw dahil tawa ka ng tawa sa binabasa mong blog
... napapatingin ka sa malayo kapag nakaharap sa computer (nag-iisip tungkol sa latest post na nabasa mo)
... iniisa-isa mo ang mga post mo kasi baka may nag-iwan ng comment
... naaliw ka sa pagbabasa ng tagboard mo
... alam mo kung ano ang tagboard, sitemeter, trackback, haloscan, photobucket, blogger, wordpress, html
... pamilyar sa'yo ang mga pangalang teachersol, pansitan.net, you blog addict, pinay, pradamama, sassylawyer, batjay at ang iba pang mga sikat na bloggers
... sa pag-uusap ninyo ng mga kaibigan mo eh, madalas nasasabi mong "yung isang blogger, ..."
... madalas mong nakikita ang pangalan mo sa mga tagboard at comment box
... dumadami ang iyong mga kaibigan na di mo pa nami-mit face to face
... may folder ka sa computer mo na ang laman ay dedicated lamang sa mga add-ons, clip-arts, blog skins, buttons, etc
... nagpalit ka ng template ng 4 na beses at nag-iisip pa ding magpalit pa ulit
... nangangarap kang someday ay magkaroon ka ng adobe photoshop
... may kopya ka ng hexadecimal color codes
... may link ka ng pinoy blogger sa blog mo
... hindi lamang isa ang blog mo
... napakadaming open na windows sa computer mo (ikaw ay nagmu-multi tasking - ka chat ang tita mo, check ng email mo, nagsusulat ng post mo, nagbabasa ng paborito mong blog at nag-cocomment naman sa isa pang blog)
wala na akong maisip! kayo may idadagdag ba?
Posted by nikki::
7/02/2005 08:46:00 PM
|
Friday, July 01, 2005
friend (frend), n. one showing esteem and affection
just like in everything i do, i always try to give it my all even when it comes to friendship. i treat my friends like family, i rejoice with them in every triumph, cry with them in every disappointment and fight with them in every battle (if i know they're right). i especially go out of my way to help a friend in need up to the point of spoiling them already. this is when i usually get in trouble - when i become too nice to my friends. last year, i was "stabbed" in the back by people who i thought were my friends just because they wanted power. a few weeks ago, i felt so bad because i expected too much from a friend, all because i missed being with them. then the other day, i felt so hurt because i learned that a friend was just a friend only when he is in trouble but not during victories. i also have people who are supposedly my close friends who would only remember me when their kids are sick.
i wonder, is this what progress has taught us - to be selfish monsters? are we so obsessed with getting ahead that we have forgotten how to appreciate a friend? have we forgotten how a simple "thank you" means more than a thousand "i'm sorry"?
everyday, when i pray, i always thank the Lord for the wonderful friends that He has been blessing me with (online/blogger friends included). throughout the years, i have collected treasures who have seen me mature and grow to who i am. some i still keep in touch with, some already virtually strangers to me now. i mourn all the friends i have lost along the way because i may have inadvertently thrown away a rare gem.
Posted by nikki::
7/01/2005 08:22:00 PM
|