Saturday, August 26, 2006
Little girl na ang baby naminDear Tricia,
Ang bilis talaga ng araw. Akalain mo, isang taon ka na? Parang kelan lang takot pa kami na buhatin ka kasi parang ang lambot-lambot mo, ngayon hinahatak mo na ang mga damit namin para alalayan kang maglakad. Hirap na din kami ngayon na kargahin ka kasi ang bigat mo na. Nakakalungkot lang minsan kasi baka paggising namin bukas, independent ka na at hindi mo na kami kailangan.
Ngayon pa lang, nakikitaan ka na namin ng pagiging smart. Ang galing mong manggaya ng mga nakikita mo. Walang nagturo sa'yo nung gesture na ginagawa ni Kris Aquino sa Deal or No deal pero ginulat mo kami isang araw, noong nagtatanong si Kris ng "Is it a deal? or no deal?", sumasagot ka ng "no deal" gesture. Ang bilis mong matuto! Natuto kang uminom sa straw na ikaw lang tapos ilang beses ka lang tinuruan nina Mommy at Daddy magmano saka mag-flying kiss, marunong ka na agad. Kanina lang, kwento ng Mommy mo, umiyak ka daw sa barberya noong nagpagupit ang Daddy mo tapos nakita mong pinapalo-palo ang likod at balikat niya. Akala mo siguro sinasaktan si Daddy ano? Minamasahe lang siya Tricia. Kaya sa susunod na sumama ka sa barberya at makita mo ulit yon, hindi ka na dapat umiyak ha.
Mukhang mauubusan din kami ng sagot kapag nag-umpisa ka nang magsalita kasi ngayon pa lang, ang daldal mo na. Napaka-curious mo din sa paligid mo. Kapag may nakita ka, gusto mong lapitan agad at imbestigahan. Hurricane Tricia din ang tawag ko sa'yo ngayon kasi talaga namang lahat ng madaanan at makita mo, kinakalikot mo at itinatapon. Pero nitong mga nakaraang araw, napapansin namin na yung mga kinakalikot mo, isinosoli mo din sa kung saan mo nakuha. Para talagang marunong ka nang mag-isip. Saka napakalikot at napakakulit mo na din! Masakit na ang buong katawan namin sa kakasunod sa iyo, ikaw parang hindi pa din nababawasan ang energy.
Hindi pa din nagbabago yung pagiging happy baby mo. Yun ang gustong-gusto namin sa iyo kahit noong baby ka pa lang. Hindi ka halos umiiyak, maliban na lang kung gutom o basa ka. Kaya lang madalas kong nakikita ngayon na kumukunot ang noo mo. Hmp! Mana ka talaga sa Daddy mo! Sana naman Tricia, hindi mo dalhin yan maski sa paglaki mo. Mas masaya kapag nakangiti ka lang palagi.
Sa mga nakikita namin sa'yo, mas lalo kaming na-eengganyong magtrabaho ng mabuti para mapalaki ka namin ng maayos at maibigay lahat ng mga pangangailangan mo. Sana lang, huwag kang lumaking spoiled brat. Bawal ang maging brat ha, ako ang unang magagalit sa iyo kapag naging brat ka. Huwag mo ding papansinin muna yung mga little boys na ngumingiti at humahawak sa iyo ha.
Maraming salamat sa pagbibigay kulay sa aming mundo. At kahit pa pagurin mo kami sa pag-aalaga sa'yo, magtitiyaga kami. Ipagdasal din natin palagi kay Lord na sana lagi kang healthy at happy. Magpakabait ka lagi ha at huwag matigas ang ulo. Saka pakiusap lang, huwag mo namang bilisan ang paglaki!
Mahal kita!
Love,
Mama

Posted by nikki:: 8/26/2006 12:59:00 AM
|