Monday, June 19, 2006
Father's Day 2006I know late na, Monday na kasi dito sa Pilipinas pero gusto ko pa ding humabol. Alam ko ding malamang hindi ito mabasa ni Papa kasi hindi naman siya marunong mag internet pero kapag may pagkakataon, ipapabasa ko sa kanya ito.
Father's day... masuwerte ako at napakabait ng Papa ko, karapat-dapat talagang ipagdiwang ang Father's Day in his honor. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala siya. Kasi naman, bata pa talaga ako, kami na ni Papa ang magkabuntot. Sa katunayan, nagkasugat pa nga ako sa talukap ng kaliwang mata ko sa kasusunod sa kanya. O sige na nga, oo na, Papa's girl na ako. Ang dami na din naming napagdaanan bilang isang pamilya, kung iba siguro ang naging tatay ko, baka sumuko na siya.
Kung meron akong nalaman sa pag-uwi namin noong May sa bayan ni Papa, iyon ay kung gaano kahirap ang naging buhay niya bago niya narating kung ano siya ngayon. Isa siyang mabuting anak at kapatid. Bata pa siya, marunong na siyang magtipid at magsikap para may ipambaon sa eskwelahan. Noong nagtapos siya sa kolehiyo at nagkatrabaho, inako na niya lahat halos ang pagpapa-aral dun sa dalawang nakababata niyang kapatid. Siya din ang sagot sa bahay, tubig, kuryente at pagkain. Sabi ng mga tita ko, kahit na hirap sila noon, isa iyon sa mga pinaka-masasayang taon nila. Sabi din nila, mabait ngunit istrikto daw si Papa, mahilig manlibre ng sine at maloko. Naintindihan ko na kung bakit nagsakripisyo siya ng husto para sa amin - ayaw niya kasi na maranasan namin yung naranasan niya noong bata pa siya. Hindi ko din nakita sa kanya yung pagka-istrikto niya. Siguro dahil sa madalas hindi namin siya kasama noon, kapag umuuwi siya dito sa Pilipinas, bumabawi siya. Maloko si Papa kahit hanggang ngayon. Maski si Tricia minsan naiinis, mahilig kasi mangulit si Papa.
Sa kwento ng mga tita ko, mas lalo kong nakilala si Papa. Bagama't may mga kamalian din siya, bale wala iyong mga iyon kung iisipin ko yung mga ginagawa niya para sa amin. Napakaswerte ko pala talaga!

Thank you
for being the beam that lifts our family tall,
for being the wall that holds us together,
for being the roof that shelters us from the rain.
for being our eyes, which makes us see what is out there
for being our wings, which makes us fly high,
for being our heart, which taught us what love really is all about.
Thank you for being who you are!

Posted by nikki:: 6/19/2006 02:40:00 AM
|