Tuesday, January 31, 2006
Hay buhay!
Naku, ewan ko ba naman kung hindi mapuno talaga ang mga Pilipino sa gobyerno natin. May pag-asa pa kaya tayo?
Unang buwan na naman kasi ng taon kaya renewal na naman ng mga permits. Syempre, dahil sa gusto ko maayos ang lahat sa clinic ko, nag-renew ako ng business permit ko. Aba, ang laki ng sinisingil sa akin! Sabi nung secretary namin, inilagay daw sa Php 150T ang income ko for last year. HUWAT??!! Apat na buwan pa lang ako nagsisimula ng clinic dito at kahit pa maningil ako ng Php 600 bawat pasyente, hindi pa din ako kikita ng ganon kalaki. Buti na lamang at may logbook ako ng mga nakikita kong pasyente dito sa clinic kaya ipinadala ko yon para ipakita dun sa mga tao sa City Hall. Uy... ang galing, pumayag namang ibaba, Php 50T na lang daw ang inilagay na kita ko, yun daw kasi ang pinakamababa na pwedeng ilagay. Ano ba naman yon, akala ba nila lahat ng doctor ay ganon kalaki ang kita? Namumuhunan pa ako sa bakuna, may mga binili pa syempre akong mga gamit para sa clinic. Kaya ayun, kalahati ng kita ko, naibayad ko sa kanila.
Akala ko okay na yon. Aba, bumalik yung secretary, hinihingian daw ako ng Sanitary permit; para makakuha ng ganong permit, kelangan may health certificate ako at yung secretary. Ha??!! Hindi naman karinderia o kaya ay massage parlor ang aking clinic para hingian pa nila ako ng Sanitary permit. Hindi naman siguro ako gagawa ng kung ano sa mga pasyente kong mga bulilit para kailanganin ko pang may health certificate. Haaayyy.... your guess is as good as mine folks. Mukhang walang matitira sa kinita ko ng apat na buwan. Nakaka-iyak!
Posted by nikki:: 1/31/2006 11:56:00 PM
|
Saturday, January 28, 2006
Happy Chinese New Year!Posted by nikki:: 1/28/2006 10:04:00 PM
|
I got this tag from KAREN last week. Sorry Karen, this is late pero better late than never di ba?
- The tagged victim has to come up with 8 different descriptions of their perfect lover.
- He/she needs to mention the sex/gender of their perfect lover.
- He/she must tag 8 more people to join this game and leave a comment on their page saying they've been tagged.
- If tagged a second time, there's no need to post again.
HE should be:
really funny - i can talk about anything under the sun but i easily get bored when things become too serious, so this is a must for me.
smart - he doesn't need to be very intelligent, as long as we are in the same wavelength, its enough for me. imagine if you were with a guy who asks you to explain every punchline. aggghhh! being smart would also mean being man enough to ask questions if he doesn't understand things.
must like kids - i observed that guys who really loves kids are responsible.
sweet and thoughtful - its the small things that matter!
believes in equality - read as: marunong magluto at maglaba! hahahaha!
accepts me for who i am - including my moods and kakulitan
must love the people i love
must be God-fearing
pahabol: must spoil me
"wake up, you must be dreaming! "
Since I saw this tag in most of my blogger friends' posts and since #4 above says that you don't have to post a second time, I won't mention names na lang. If you didn't receive the tag and want to answer it, feel free to answer it.
P.S.
F, just in case you're lurking around and reading this, huwag sana lumaki ang ulo mo kasi hindi ikaw ang tinutukoy ko dito dahil obviously, you don't fit description #6. :-p
Posted by nikki:: 1/28/2006 08:25:00 PM
|
Thursday, January 26, 2006
Parang Kelan Lang
parang kelan lang, takot pa kaming kunin ka sa iyong kuna.
ngayon, dumadapa ka na.
parang kelan lang, wala ka pang alam kundi dumede lamang,
ngayon, marunong ka ng mag "close, open".
parang kelan lang, halos tapikin kita oras-oras para lamang magising at malaro kita.
ngayon, humahalakhak ka na.
parang kelan lang, tinitimplahan kita ng gatas kada-ikatlong oras.
ngayon, paborito mo na ang cereals at mashed potato.
parang kelan lang, small pa ang diaper at mga damit mo.
ngayon, medium na ang kasya sa'yo.
napapalingon ang mga nakakasalubong natin kapag karga ka, ang amo kasi ng mukha mo,
maski mga sales lady at bagger, hindi mo pinapalusot sa mga ngiti mo.
lahat ng pagod namin, nawawala madinig lang namin ang mga sigaw mo at natataranta kami sa bawat iyak mo.
nagagalak ang puso ko tuwing ihihiga kita sa timbangan at bumigat ka na naman ng isang kilo.
natutuwa kami tuwing may bago kaming nakikitang kakulitan sa iyo!
ahh... Tricia, limang buwan ka na! sana huwag ka namang magmadaling lumaki...
Posted by nikki:: 1/26/2006 01:49:00 AM
|
Sunday, January 22, 2006
The Filipino People's ChampionPacquiao with tears of joy after defeating Eric Morales
MABUHAY SI MANNY PACQUIAO!
This is the first time that I watched a boxing fight in my entire life and I am so glad I did. At this moment, I'm just so proud to be PINOY!
Posted by nikki:: 1/22/2006 10:18:00 PM
|
Friday, January 13, 2006
10 Things I learned in 2005
The year 2005 taught me that:
1.) God does provide.
2.) You reap what you sow.
3.) God moves in mysterious ways.
4.) I can really WRITE!! (Thanks to my friend Isabela for teaching me this)
5.) Not everything and everyone is what they seem to be.
6.) You don't need to see people face to face for them to become treasured friends.
7.) I can be reaaaallly patient when I want to be.
8.) Full time moms should be admired.
9.) I am an internet and blog addict. (I know I have been remiss in my blogging lately... sorry
po!)
10.) SOMETIMES PRAYERS TAKE A LONG TIME TO BE ANSWERED, BUT THE RIGHT
ONES ARE. - Danielle Steel, Answered Prayers
Posted by nikki:: 1/13/2006 12:23:00 AM
|
Sunday, January 01, 2006
I'm back!Posted by nikki:: 1/01/2006 04:13:00 PM
|