Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Tuesday, January 31, 2006

Hay buhay!



Naku, ewan ko ba naman kung hindi mapuno talaga ang mga Pilipino sa gobyerno natin. May pag-asa pa kaya tayo?

Unang buwan na naman kasi ng taon kaya renewal na naman ng mga permits. Syempre, dahil sa gusto ko maayos ang lahat sa clinic ko, nag-renew ako ng business permit ko. Aba, ang laki ng sinisingil sa akin! Sabi nung secretary namin, inilagay daw sa Php 150T ang income ko for last year. HUWAT??!! Apat na buwan pa lang ako nagsisimula ng clinic dito at kahit pa maningil ako ng Php 600 bawat pasyente, hindi pa din ako kikita ng ganon kalaki. Buti na lamang at may logbook ako ng mga nakikita kong pasyente dito sa clinic kaya ipinadala ko yon para ipakita dun sa mga tao sa City Hall. Uy... ang galing, pumayag namang ibaba, Php 50T na lang daw ang inilagay na kita ko, yun daw kasi ang pinakamababa na pwedeng ilagay. Ano ba naman yon, akala ba nila lahat ng doctor ay ganon kalaki ang kita? Namumuhunan pa ako sa bakuna, may mga binili pa syempre akong mga gamit para sa clinic. Kaya ayun, kalahati ng kita ko, naibayad ko sa kanila.

Akala ko okay na yon. Aba, bumalik yung secretary, hinihingian daw ako ng Sanitary permit; para makakuha ng ganong permit, kelangan may health certificate ako at yung secretary. Ha??!! Hindi naman karinderia o kaya ay massage parlor ang aking clinic para hingian pa nila ako ng Sanitary permit. Hindi naman siguro ako gagawa ng kung ano sa mga pasyente kong mga bulilit para kailanganin ko pang may health certificate. Haaayyy.... your guess is as good as mine folks. Mukhang walang matitira sa kinita ko ng apat na buwan. Nakaka-iyak!



Posted by nikki:: 1/31/2006 11:56:00 PM
|

---------------oOo---------------