Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Tuesday, February 14, 2006

Huh? Ako, judge?

Dahil sa talaga namang ako ay pinagpala (kasi kamag-anak ko ang organizer), naatasan akong maging isa sa mga hurado noong nakaraang fiesta sa amin. Hindi naman big time, pang campus king and queen saka talent search lang naman ang aking "judging" ability.
Sa totoo lang, kinabahan ako. Di nga ba't may question and answer portion sa mga ganitong mga contest? Hindi ko kasi alam kung ano ang itatanong ko. Baka kasi batuhin ako ng mga tao doon kapag tinanong ko sila ng kung ano-ano. Ayoko din naman syempre tanungin sila ng "what do you think is the essence of being a woman?". Mabuti na lang at isang question lang sa lahat ng mga finalists at iyon ay tanong na gawa ng mga organizers. Naisip ko din, baka hindi ako marunong mag-judge. Pero ang pinaka-nakakakaba sa lahat, covered ng isang local tv station yung contest at mga local TV talents ang iba kong mga kasama!
Sabi sa akin, kelangan daw alas-syete, nandon na ako sa upisina ni vice mayor kasi may dinner daw. Hmp! Akala ko naman buffet style, yun pala styro style lang! Hindi din masarap yung pagkain tapos ni wala man lang juice o softdrinks, NAWASA juice lang ang meron. Nag-umpisa ang contest ng alas-nuwebe ng gabi, syempre hinintay pa kasi ang mga VIPs na natural fashionably late sa pagdating. Mag-aalas onse pa lang, masakit na ang ulo ko. Nakakahilo naman kasi yung 33 na mukha ang dadaan sa harap mo ng paulit-ulit. Masakit din sa mata yung mga ilaw. Mabuti na lang at may pre-judging sila dun sa contest na yon at hindi na kami masyadong nahirapan. Maski dun sa talent search, tig-limang finalist na lang ang nadinig namin kumanta at nakita naming sumayaw. Sa totoo lang, magagagaling iyong mga bata lalo na yung mga nagsayaw.
Magaganda at guwapo din yung mga kasali sa beauty contest. Kaya nga lang, sabi nga ng kapatid ko, "beauty and brains do not really go together". I'm sure hindi lahat ng tao sasang-ayon dito. Hindi din naman sa lahat ng pagkakatao ganito pero nung gabing yon, napatunayan ko na tama nga ang kapatid ko. Noong unang labas pa lang ng mga contestants, meron na akong nagustuhan, magaganda kasi ang mukha at tindig. Para hindi ako mahirapan sa pagbigay ng puntos, sa mukha at katawan muna ako tumingin. Noong natapos na lamang yung question and answer portion, saka ako nagbigay ng puntos para sa katalinuhan. Kaya ang ending, yung pinaka-gusto kong mukha sa mga lalaki, naging 3rd runner up lang at yung sa babae naman ay naging 1st runner up lang sa akin.
Siyam kaming judges kaya syempre, iba-iba ang aming mga napili. Sa talent search, dun lang sa sayaw ako tumama (pero kasi unanimous decision naman yon). Dun sa kantahan, ni isa hindi ako tumama. Mahilig kasi ako manood ng mga singing contest sa TV kaya naman nasanay akong makinig sa ultimo kaliit-liitang notang kinakanta ng mga kasali. Pero kung pagbabasehan ko yung reaksyon nung katabi kong judge, hindi ako nag-iisa. Dun sa beauty contest, yung mga gusto ko ang nanalo sa mga babae pero sa mga lalaki, yung grand prize at 1st runner up winners lang ang tama ko kasi may alam akong sikreto nung isang pinili nila. Pero dahil sa sikreto yon, tatahimik na lang ako....


Posted by nikki:: 2/14/2006 01:07:00 AM
|

---------------oOo---------------