Friday, June 03, 2005
the journeymarami sa atin, kapag nalaman na ikaw ay isang doktor, sasabihin kaagad "wow, ang galing naman". oo, siguro nga magaling. pero upang maging isang doktor, hindi lamang talino ang kailangan. sa dami ng dadaanan mong hirap, kailangan ikaw ay matiyaga at may determinasyon. importante din na marunong kang makisama sa tao. kung gusto ninyong malaman kung pano maging isang doktor, read on...
step 1: pre-med
ito ay isang kurso na kelangang kuhanin mo bago ka mag medicine proper. kahit anong kurso basta at least 4 years, pwede maging pre-med course. noon, may kaklase ako na b.a in english literature, ang layo no? pero syempre mas maganda kung science related ang course mo para mas madali saka para ma-credit lahat ng subjects mo kasi merong mga requirements din na subjects na dapat natapos mo bago ka mag-med proper. at kailangan din na pasado ka sa NMAT (national medical admission test). exception dito ang mga istudyante ng INTARMED sa UP-PGH kasi 2 years lang pinaka-equivalent ng pre-med nila. in my case, med tech ang pre-med course ko. naisip ko kasi, kapag di ako natuloy mag doktor, at least, sa ospital pa din ako magtatrabaho.
step 2: medicine proper
4 years itong medicine proper. ito na ang umpisa ng paghihirap. 3 years lang talaga ang classroom stay dito kasi yung pang 4th year, ang tawag namin doon ay clerkship. ganito ang mga usapang karaniwang nadidinig sa aming eskwelahan:
First year:
friend #1: grabe, nakatulog ako kagabi. lagot ako, may 2 shifting at
practical exams pa naman ako sa anatomy. kasi naman tinapos
ko muna i-transcribe yung lecture natin kahapon sa
biochemistry eh.
friend #2: (grinning) ok lang yun noh, ako din hindi masyado naka-aral kasi tinapos
ko din i-transcribe yung lecture natin sa family medicine.
friend #3: hay naku, alam nyo ba na magka-away ang section B at E kasi nagdadamutan
sa mga transcription. kaya tayo, dapat wag tayo umasa sa kanila sa mga
transcribed notes.
friend #4: uy, baka makalimutan ninyo na may shifting din tayo saka quiz sa
physiology ha.
(friends 1, 2 & 3: groans)
Second year:
friend #2 (habang palakad-lakad sa corridor, nagbabasa ng photocopied notes sa
pharmacology): uy, anong lumabas kanina sa practical exam ninyo sa
parasitology?
friend #3 (dahil sa bumagsak sa anatomy, nalipat ng section): puro mga slides eh,
isa lang ang sigurado kong sagot, Entamoeba histolytica. kinukumusta ka
nga pala ni friend #1, nagkita kami sa jeep kahapon pag-uwi ko. na-kick
out pala sya, lumipat na sya sa ******.
friend #4 (nagbabasa din ng notes sa pedia): naku, natatakot na ako, baka ma-delay
din ako, ang hirap ng pediatrics eh.
friend #2: hindi! kaya natin ito!
Third year:
friend #4: pasensya na ha, hindi ako makakasama sa lakwtsa mamaya. may shifting
exam kasi ako sa OB eh tapos may quiz ako sa surgery sa monday.
friend #2: oo nga eh, ako din nagdadalawang isip kung sasama. may 20 pages pa akong
babasahin sa chapter 74 ng Nelson (libro ng Pediatrics).
friend #3: ano ba kayo, friday naman ngayon. may practical exam pa nga ako sa
physical diagnosis bukas eh, hindi kasi dumating si dr. ******, may
pasyente daw kasi kanina.
(ITUTULOY)
Posted by nikki:: 6/03/2005 07:48:00 PM
|