Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Friday, July 08, 2005

tawanan mo ang iyong problema


mas magulo na naman dito sa pilipinas. sigurado ako, karamihan sa mga pilipino ngayon ay nakatutok sa kani-kanilang mga tv at radyo para sa mga latest na kaganapan. kanina, isa ako sa mga taong yon, pero ayoko na. naiinis lang ako sa mga palitan ng kung sino-sinong mga pulitiko. umiinit ang ulo ko sa mga insensitivities nila. yung isa, nang hingan siya ng reaksyon tungkol sa pahayag ni ex president cory aquino, sumagot siya na dapat daw natin intindihin si cory dahil babae sya at "she can change her mind". anong ibig niyang sabihin? kasi noong isang linggo lamang, ang hinihingi ni cory ay huminahon tayo tapos ngayon pinapag-bitiw na niya si gma? hindi naman yata tama na sabihin niya iyon. ibig sabihin si senate president drilon ay isang babae din kasi he also changed his mind (noong isang linggo kasi sinabi pa niya na kahit ilipat pa sa iloilo ang palasyo kasi suportado naman si gma ng mga ilonggo tapos ngayon, hinihingi niya na mag-resign na si presidente). madami pa dyan na mga prominenteng mga politiko na pabago-bago ng isip. ibig bang sabihin non, mga babae din sila? ang sabihin mo, hindi lang talaga sila mga tunay na lalaki dahil hindi nila kayang pangatawanan ang kanilang mga prinsipyo.

alam kong madalas ngang magbago ang isip ng mga babae pero hindi naman dapat gawing puntos yon laban sa atin. tayong mga babae kasi, mas emosyonal kesa sa mga lalaki kaya minsan nakakapag-desisyon tayo o nakakapagbitiw ng mga salita in the heat of the moment. pero pagkatapos mapag-isipan ng mabuti, nagbabago ang isip.

napanood ko din kagabi ang isang programa sa tv, pinag-dedebatihan nila kung tama ba na gawan ng jokes ang mga nangyayari dito ngayon. sa akin lang, hindi naman siguro masama na gawan ng jokes yung gloriagate incident. baka naman mabuwang na tayo kapag puro na lang problema ang nasa isip natin. yun ang maganda sa mga pilipino, kahit na kabi-kabila ang mga dinadaanan nating problema, may sense of humor pa rin kaya mas gumagaan ang pakiramdam.

joke time muna!

Rrrrriiinnnggg...
Ate glo: helo garci!
Garci: mam, ikaw pala.
Ate glo: salamat garci sa pagpadala mo ng flowers.
Garci: nagustuhan mo mam? mahal yan.
Ate glo: talaga? ano ba tawag sa flowers na yan?
Garci: yun ang tinatawag na SUSAN ROCES
(ngek!)

DOJ sends baby crib to ERAP's resthouse.
Erap: i did not order any baby crib!
DOJ: this is not for u. this is for gma, she will soon be joining u.
(asa pa! baka galing ke lacson yung crib, di sa DOJ!)

ano ang pagkaka-iba ng malacanang sa chow king?
ang chow king, may rice topping...
ang malacanang, may wire tapping...
(hahahaha! sarap sa chow king!)

p.s.
jokes courtesy of r.o.y., m.d.



Posted by nikki:: 7/08/2005 10:20:00 PM
|

---------------oOo---------------