Tuesday, November 08, 2005
Bakit ba minsan ang katahimikan ang hirap makamtan?
Parang laging sinasadyang may iihip na malakas na hangin,
At bubuhos ang nakakabinging ulan.
Oo nga't pagkatapos ay nagpapakita ang isang magandang bahag-hari,
Pumapayapa ang dagat at lumiliwanag ang paligid.
Ngunit ito'y pansamantala lamang.
Kung kailan akala mo abot-kamay mo na,
Iihip ulit ang hangin,
Bubuhos ulit ang ulan,
Didilim ulit ang langit...
Wasak na naman ang katahimikan!
Posted by nikki:: 11/08/2005 01:41:00 AM
|