Sunday, October 16, 2005
Sa bawat pag-iyak mo,
Nagkakandarapa kami sa pagtakbo.
Sa bawat tunog na madinig mula sa iyo,
Sinasabi namin, ikaw ay isang henyo.
Sa bawat pag-angat ng ulo mo,
Pumapalakpak kami sa lakas mo.
Sa tuwing nakikita ko ang iyong mga mata,
Natutuwa ako sapagkat napaka-inosente ng mga ito.
Sa kabila ng kaguluhan sa paligid mo,
Wala kang malay,
Tuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo mo.
Walang dungis... mapayapa... puno ng pagtitiwala...
Inggit ako sa 'yo,
Sana ganyan din dito sa mundo ko!
Posted by nikki:: 10/16/2005 10:44:00 PM
|