Tuesday, August 30, 2005
Alam Mo Ba?Pambihira talaga itong si ISABELA. Kung ako ay isang writer, kakabahan ako kapag editor ko siya kasi matindi magbigay ng assignment!
Unang kita ko pa lang sa larawan na ito, natawa na ako at madami nang naglaro sa aking isipan. Sana kahit ako ang pinaka-huling sumagot sa iyong pala-isipan, magustuhan mo ito kaibigan.
alam mo ba na sa bawat...
sulat na hindi mo naipadala
tawag na hindi mo nagawa
pagkikitang hindi mo sinipot
salitang hindi mo binigkas
yakap na hindi mo naibigay at
pangakong hindi mo natupad,
napakadaming luha ang dumaloy sa aking mga mata?
at kung ang hapding aking nadama ay nabigyan lamang ng lunas,
sana, hindi lamang ang puso ko ang nagdugo,
kundi pati ang aking sikmura!
Posted by nikki:: 8/30/2005 08:21:00 PM
|