Sunday, August 21, 2005
Pasensiya na po!
Alam ko pong nitong mga nakaraang araw ay hindi ako isang mabuting mamamayan ng blogging world. Hindi kasi ako gaanong nakaka-ikot at nakakapagbasa ng mga isinusulat ng mga kaibigan ko. Higit sa lahat, hindi din ako madalas magsulat ngayon para dito sa blog ko kaya pasensiya na po.
Dalawang araw nang umuuwi ako dito sa bahay na masakit ang paa. Kailangan kasing maglakad-lakad ng hipag ko para lumabas na ang aking pamangkin. May trabaho ang kapatid ko kaya ako ang kasa-kasama niya. Mahilig din naman kasi nga akong mag-shopping pero hindi gaya ng ginagawa naming ngayon dahil talaga namang masakit sa paa. Pero para sa pamangkin ko, magtitiis ako. Kaya nga't eto, napabili ako ng sandalyas para kumportable sa paglalakad.
Bukas ulit...
Posted by nikki::
8/21/2005 12:10:00 AM
|