Tuesday, August 02, 2005
"I don't want to own anything until I find a place where me and things go together "- from Breakfast At Tiffany's
kay tagal ko nang nadidinig ng iyong pangalan
ngunit noo'y wala akong pakialam
akala ko kasi ordinaryo ka lamang.
una kitang nasilayan nang ako'y namasyal
may kaka-iba akong naramdaman!
lumukso ang aking puso at nagning-ning ang aking mga
mata.
pinagmamasdan pa lang kita,
sabik na sabik na akong hawakan ka!
balang araw, mapapasa-akin ka!
at ngayon nga'y eto ka na sa aking harapan,
hindi ko pa din lubos maisip na abot-kamay na kita!
ahhh... aking-akin ka na!
pero teka lang, bakit sila natatawa?
nawala ang aking mga ngiti,
kaya inialis kita sa kanilang paningin.
" Moon River, wider than a mile.
I'm crossing you in style someday..."
Haaay! Ang sarap talaga ng feeling kapag nakuha mo na yung matagal mo nang inaasam-asam. ang tagal ko din itong hinintay. At ngayon nga, meron na akong pink na iPod mini. Yipee!!! Kaya lang nung isang araw, hiniram ito ng kaibigan ko. Nagtaka ako kung bakit siya natawa nang isuuot niya iyong earplugs. Unang kanta kasi na nadinig niya ang Moon River. Lumang kanta na daw kasi yon. Bakit? Masarap naman pakinggan ang kanta kahit luma na siya. Ipikit mo lang ang iyong mga mata...
Posted by nikki:: 8/02/2005 09:59:00 PM
|