Thursday, July 21, 2005
doktor ang anak ko
OB: mister, mukhang kelangan nating mag caesarean section kay misis doctor. ayaw bumaba ni baby eh tapos medyo bumabagal ang heartbeat ng baby saka mukhang nakadumi na siya sa loob ng tiyan ni misis doctor.
MISTER: bakit po nagkaganon?
OB: minsan talaga, nangyayari na yan. wala naman tayong ibang problema. hindi naman malaki yung baby according sa ultrasound ni misis doctor.
MISTER: sige po. kung ano po ang mabuting gawin, gawin na lang po.
PEDIA: mommy, tita doctor, may ear infection si J. bibigyan ko siya ng antibiotic, kelangan inumin niya ito ng 10 days.
MOMMY & TITA: ok po. salamat po.
After 10 days...
MOMMY: doktor, parang may ear discharge pa rin ang anak ko.
PEDIA: (pagkatapos eksaminin si J) meron pa din nga. baka resistant sa antibiotic natin yung organism sa ear ni J. palitan natin ha, for severe ear infection na ito. ibalik mo siya sa akin after 5 days, check ko ulit siya. pero gusto kong mag-request ng ear discharge culture. punta kayo sa laboratory at ipagawa mo ito. (sabay bigay ng request)
After 5 days...
PEDIA: mommy, iyong ear discharge culture ni J may tumubo. kaya pala naka-dalawang klase ng antibiotic na tayo, ayaw gumaling kasi resistant yung organismo sa lahat ng mga oral antibiotics. kailangan i-inject yung antibiotic.
TITA DOCTOR: ano ba yan, bakit naman puro resistant sa antibiotic yang alaga mo J.
MOMMY: (halik kay J) kawawa naman ang anak ko...
TITA DOCTOR: ganyan talaga, wala tayong magagawa.
Sa loob ng operating room...
SURGEON: okay na ba? pwede na ba akong mag-umpisa?
ANESTHESIOLOGIST: sir, subukan mo nga itaas itong mga paa mo.
DADDY: (itinaas ang dalawang paa)
ANESTHESIOLOGIST: sige, magbibigay pa ulit ako ng gamot sir ha. (inihanda ang
pasyente at nagbigay ng gamot)
DADDY: (hindi umiimik)
After 15 minutes...
ANESTHESIOLOGIST: subukan nga po ninyo ulit itaas ang mga paa ninyo.
DADDY: (itinaas ang paa)
DOCTOR SON: daddy, ayaw tumalab ng anesthesia sa iyo ah.
ANESTHESIOLOGIST: oo nga eh, maximum dose na naibigay ko. bibigyan ko na lang din siya ng pampatulog, closely monitor na lang natin si daddy.
ilan lang ito sa mga nangyayari sa klinika ng mga doktor. minsan, nakakadala manggamot ng mga kapwa doktor o kamag-anak ng mga doktor. kadalasan kasi, nagkaka-problema. ito yung tinatawag naming doctor syndrome o extension syndrome. yun bang, kahit pagbigay na lamang ng laboratoryo ng resulta sa mga eksaming ipinagawa mo, nagkakamali pa. o kaya minsan yung lahat ng pwedeng mangyaring kapalpakan sa isang pasyente ay nangyayari. minsan naman, yung mga hindi mo inaasahan na mangyari, nangyayari at hindi mo alam kung bakit tapos wala ka talagang makitang posibleng dahilan. siyempre nga naman, kung alam mong may kamag-anak na doktor yung pasyente mo, gusto mo magamot mo agad ang pasyente. kaya lang sa hindi namin malamang kadahilanan, pati yata mga bituin sa langit ay kumokontra at wala kang magawa kundi umiling na lamang. kahit na sino ang tanungin ko, hindi ako mabigyan ng paliwanag. ang mahirap pa nito, paano mo ipapaliwanag sa pasyente o di kaya'y sa ibang kamag-anak ng pasyente kung bakit nagkakaganoon? baka isipin pa nila, malas kang doktor!
kung kayo ay doktor, may magulang na doktor, anak na doktor o basta kamag-anak ng doktor, minsan kahit kaibigan lang ng doktor; marahil naranasan na ninyo ito.
Posted by nikki:: 7/21/2005 02:15:00 AM
|