Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Sunday, July 17, 2005

ang kulani part 2


alas-singko pa lang, halos ma-maos na ako! fifteen hours pa bago matapos ang duty ko. sa emergency room naman ako ngayon na-assign, mag-iisang daan na yatang pasyente ang kumunsulta sa akin ngayong araw na ito. pero ayos na din yon kasi wala namang kakaibang nangyari pa. yung ka-grupo ko na duty kahapon, dinatnan ng isang batang may sakit sa puso na hingal. nung duty naman ni partner jo sa ER, may dumating namang bata na nagsuka ng maraming b****e! yuck!

kanina, may dumating na batang lalaki na kay dungis kasama ng nanay. payat at ubo ng ubo, pitong taon na siya pero mukha siyang limang taon lamang. pagkatapos kong interbyuhin ang nanay, kina-usap ko ang bata, nagpaalam ako na iiksaminin ko siya. tingin sa mata, silip sa ilong at bibig, hipo sa leeg. hmmm... ang daming dikit-dikit na kulani! suot ng stethoscope, kinig sa kaliwang bahagi ng dibdib tapos sa likod naman. naku, ang daming tunog nilulukot na papel sa likod ng batang yon! ibig sabihin, madaming plema at may pulmonya na ang bata.

"nanay, madalas ba mag-ubo't sipon itong si junior?" tanong ko.

"naku, doktora halos hindi po nawawalan ng ubo!" sagot ni nanay.

haaay... mukhang isa na namang biktima ng primary complex (tawag namin sa TB ng bata). dito sa pilipinas, hindi na kataka-taka kung magkaron man ng TB ang mga anak natin kasi laganap talaga ang TB dito. pero tiyak, nahawa sa isang matandang may TB si junior kasi hindi naman nakakahawa ang isang batang may primary complex kaya siguradong hindi sa kalaro galing yung sakit. kailangan ng anim na buwang gamutan ito pero para makatiyak, binigyan ko ng request para sa chest x-ray si nanay at sinabihang bumalik kapag may x-ray sila. muntik ko pang makalimutang ibigay yung resetang gamot ni junior kasi naman yung isang bagong dating na nanay nangungulit na tignan ko na daw yung nagsusuka niyang anak.

pagkalipas ng dalawa't kalahating oras, halos nagtatatakbo na ako papuntang canteen kasi magsasara na sila, hindi pa ako kumakain. mabuti na lang at mabait yung ka-duty kong nurse sa ER, naalala na hindi pa pala ako kumakain simula nang sumubo ako ng sandwich kaninang tanghali. may kumalabit sa akin mula sa likuran, aba! si nanay at si junior!

tanong ni nanay, "doktora, saan ho ba ang ekstray dito?"

"ha? ano po yun?"

"saan po ba ang ekstray dito? gusto ko na po kasing ipa-ekstray (sabay tingin sa binigay kong request) si junior kasi bubugbugin ako ng tatay nito kapag di ko pa pinaekstray."

sabi ko, "ahhh... x-ray po!"

ngek! akala ko naman kung ano yung tanong ni nanay! sorry na lang siya, di ko din alam kung saan kasi ikalawang araw ko pa lang dito sa ospital.



Posted by nikki:: 7/17/2005 12:01:00 AM
|

---------------oOo---------------