Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Saturday, July 16, 2005

hanggang sa muli!

kaibigan, ma-mimiss ko...


ang iyong mga kwentong punong-puno ng kabuluhan

ang iyong pagpapatawa, joker pero may gustong iparating

ang iyong mga komentaryo, nakakapagbigay ka ng ibang
anggulo sa bawat isinusulat mo



ngunit umaasa ako na ito'y panandalian lamang dahil hindi na magiging katulad ng dati itong kakaibang mundong ginagalawan natin kapag ikaw ay nawala.



unang talata pa lang ng iyong post, nalungkot na ako kaibigang ISABELA. nabigla ako sa iyong pag-papaalam. kung kelan gumaganda ang ating pagkakaibigan, saka ka naman magpapaalam. pero naiintindihan kita. kakaunti lamang ang mga katulad mo na consistent sa kanilang mga pagsusulat at pag-cocomment, iyon ang isa ko pang ma-mimiss sa iyo.

kung meron kang visitor tracker sa blog mo, makikita mong dumalaw na ako dati sa iyo bago pa kita nakilala sa blog nina patrice at teachersol. nakita ko kasi yung banner mo sa pinoyblogger. naalala ko nung una akong dumaan, hindi ako nagtagal kasi akala ko mga kwento lang tungkol sa pag-ibig ninyo ng iyong si S ang mababasa ko doon. at kung magiging matapat ako sa sarili ko, aaminin kong naintimidate ako noong bumalik ulit ako sa blog mo kasi mukhang mahirap kang abutin. mali pala ako! oo, kwento nga ng pag-ibig ang nabasa ko ngunit hindi lamang kay S kundi sa pilipinas, sa iyong pamilya at iyong mga kaibigan. bukod doon, maraming katotohanan tungkol sa buhay ang nabasa ko na minsan ay ayaw nating aminin. at lalong maling-mali ako sa pag-aakalang mahirap kang abutin dahil isa ka sa mga bloggers na unang yumakap sa akin. katulad ng ibang blog na madalas kong puntahan, madami akong natutunan sa pagbabasa ng blog mo. malalim ka kasi mag-isip at may kakaibang istilo ng pagsusulat. sayang, kung sana noong una kitang dinaanan ay nagtagal ako ng kahit limang minuto pa, sana nakilala na kita noon pa. pero natutuwa ako at kahit sa maikling panahon ng ating pagkakakilala ay itinuring mo akong isang tunay na kaibigan.

maraming salamat isabela sa lahat ng sinabi mo sa akin doon sa post mo at pati na din sa mga comments mo. nakakataba ng puso! mas pagbubutihin ko ang pag-aalaga ng mga bata na makikita ko sa aking clinic para hindi kita mabigo.

sana paminsan-minsan ay dadalawin mo pa din ako. good luck sa iyo at hihintayin ko ang iyong pagbabalik i will not say goodbye my friend, but say till next time! God bless!


p.s.
sino ba kasi yang boss mo na yan? ipakilala mo
nga sa akin at nang mabatukan! :-D



Posted by nikki:: 7/16/2005 01:20:00 AM
|

---------------oOo---------------