Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Saturday, July 09, 2005

baby sitting paraphernalia


napagod ako kanina! galing kasi kami sa mall ng kapatid ko at ni g, ang aking sister-in-law, namili kami ng iba pang mga gamit ni baby T. nakakatuwang mamili ng mga miniature t-shirts at shorts! at dahil sa sabi nga ng ultrasound, babae ang aking pamangkin, syempre karamihan ng mga pinamili namin ay mga kulay pambabae pero meron din namang mga puting t-shirts. halatang-halata na excited kasi sumobra yata ang napamili namin. nakabili na kasi kami konting damit, baby bottles at kung ano-ano pang gamit noong april pa. nakakatawa kasi takang-taka ang papa ko kung ano yung ibang mga pinag-bibibili namin at halos bawat gamit na ilabas namin mula sa supot/kahon, may comment siya...

1. stackable milk container - ito yung bilog na patong-patong na plastic na pinaglalagyan ng mga nanay ng kung ilang scoops ng milk powder ang kailangan sa pagtimpla ng gatas ni baby at ibubuhos na lamang ang laman nito sa feeding bottle kapag nagugutom na si baby. karaniwan itong ginagamit kapag umaalis sina mommy at daddy kasama si baby.
sabi ni papa: napalaki naman namin kayong dalawa ng walang ganyan noon. dati, dala-dala lang ang lata ng gatas kasama ng scooper sa loob ng diaper bag tapos bubuksan na lang ang lata kapag magtitimpla na ng gatas.
sabi namin: para nga po hindi na kelangang dalhin pa ang lata ng gatas saka para maiwasan na may tumapong milk powder kapag nagtimpla ka.

2. diaper: - hindi naman nagtaka dito si papa kasi naman meron na nito noong ipinanganak kami (yikes!)
sabi ni papa: hindi kayo nasanay niyan noong baby pa kayo, talagang lampin para hindi mag-rashes
sabi namin: tama po yun pero mas convenient kasi yung diaper. kelangan lang talaga, palitan agad ang diaper kapag basa na ito para hindi mag-rashes si baby.

3. bath tub guard: - madaming klase ito, may parang net na ikinakabit lamang sa bath tub ni baby o isang padded plastic/bakal na mukhang lounge chair (yung pang-sunbathing ba) na inilalagay sa loob ng bath tub kung saan ipinapatong si baby kapag siya ay pinapaliguan para hindi na kailangang hawakan pa.
sabi ni papa: ha? bakit noong bata kayo, wala namang ganyan? dati, nakahiga lamang kayo sa isang kamay habang ang isang kamay naman ay sinasabon kayo at pagkatapos ay bubuhusan paunti-unti ng tubig. walang interaction sa pagitan ng baby at magulang kung meron niyang guard na yan.
sabi namin: eh kasi pa, baka madulas si baby sa pagkakahawak tapos mahulog siya sa loob ng tub kaya inilalagay ito. hindi naman mawawalan ng interaction, mas magkakaroon nga ng interaction kasi dalawang kamay na ang pwedeng humawak at humaplos kay baby habang pinapaliguan siya.

4. graco crib na may built in music, light, electronic vibrator at mobile - self-explanatory na yung music, light at mobile. yung shaker naman, iyon ay modern version ng duyan. :-)
sabi ni papa: grabe naman ito, ang daming arte. kayo ang crib nyo lang noon ay kahoy na natutupi yung isang side. may ilaw naman sa kwarto at pwede namang maglagay ng player sa malapit sa crib kung gustong pakinigin ng music si baby T. pangit ding sanayin sa duyan si baby.
sabi namin: para po mas convenient kung built in na sa crib yung mga iyon.

5. unan: - alam din ito syempre ni papa...
sabi ni papa: hindi pwedeng mag-unan ang baby! magiging flat sa likod.
sabi namin: hindi pwedeng walang unan kapag nag-fifeed ang baby kasi baka masamid, mapunta pa sa baga yung gatas.
sabi ni papa: hindi pwedeng milk formula ang i-feed kay baby T hanggat wala siyang isang taon! dapat gatas ng ina.
sabi namin: ok po, fine!
*** sabi ko: oo nga naman, breastmilk is still best for babies. pero studies have shown that babies who have been breastfed at least 6 months already benefit from the protective effects of breastmilk. kaya g, 6 months lang pwede na. dapat din natin kasing isaalang-alang na mahirap ding mag-breast feed kasi minsan wala talagang milk na lumalabas at napaka-hirap nito para sa isang ina na alam na the best pa din ang breastmilk. minsan, ito pa ang nagiging cause ng post-partum depression (pero ibang usapan na ito).

6. baby bubble - ito yung one piece suit na may mga butones o snaps sa may bandang diaper area
sabi ni papa: pangit ang mga one-piece suit kasi mahirap hubarin sa baby.
sabi namin: pa, may butones po ito sa ilalim para madaling magpalit ng diaper saka para madaling hubarin.

7. sari-saring mga plastic na lalagyan at tray
sabi ni papa: para naman saan ang mga ito?
sabi namin: lalagyan po iyan ng mga basa at tuyong bulak at iba pang mga gamit ni baby T para hindi kalat-kalat.


haaayyy... ang dami na ngang pagbabago. tama nga naman si papa, dalawa nga naman ang napalaki nila ni mama ng maayos nang wala ang mga gamit na ito. kung iisipin natin, hindi naman talaga para kay baby itong mga ito, para ito sa mga nag-aalaga kay baby, para mas madali at hindi kumplikado. sana lang, kahit na maging mas high tech na ang pag-aalaga ng mga baby ngayon, sana mapalaki din namin ang aking pamangkin na maging isang mabait at responsableng tao gaya ng pagpapalaki nina mama at papa sa amin.



Posted by nikki:: 7/09/2005 11:58:00 AM
|

---------------oOo---------------