Monday, July 11, 2005
ang kulani
"oh my gosh nikki! kadiri talaga sa ward! sana hindi ka mag-rotate ng pedia doon!"
ito ang sabi ng sosyal kong kaibigan sa akin noong nagkita kami. hmp! lahat naman sa kanya kadiri eh. palibhasa nakatira dun sa village sa likod ng ayala heights kaya ayun, nahawa sa kasosyalan ng mga tao doon.
respirator/ventilator
hindi ako madiriing tao, medical technology nga ang pre-med course ko kaya sanay na ako sa mga kalunos-lunos na bagay. pero mukhang magbabago ang isip ko kasi pagpasok ko pa lang doon, napabuntong hininga na ako. kaya lang naisip ko, kailangan ko itong experience ko dito kaya dapat magtiis ako. pumunta kami ng mga kasama ko sa opisina ng pediatric department at doon kami ay kinausap ng chief resident, ipinaliwanag kung ano ang mga dapat naming gawin at kung saan kami ipapadala. una akong pinag-duty sa nursery...
suot ang amoy downy kong scrub suit, pumasok ako sa pinto ng nursery, sumilip sa glass na bintana habang naghuhugas ng kamay (kelangan ito para ma-disinfect ang aking kamay kasi hahawak ako ng mga bulilit), grabe sa dami ng baby! ito yung mga ilang oras pa lang naipapanganak kaya wala pa sila sa tabi ng mga nanay nila.
nagkakagulo sila, tumatakbo yung isang nurse saka isang nursing aide. ahhh, may premature na baby na kakapanganak pa lang. teka lang, may plastic na tubo sa bibig ng baby at may pinipisil na parang isang transparent na bola ng football yung isang nurse para tulungan huminga yung baby. ang bait naman nung nurse na yon at ngumiti agad sa akin!
ha? ako ba ang tinatawag nung duktor? kaya pala ang sarap ng ngiti ng loka-lokang yon, ako pala ang salvation nya! ako pala ang papalit sa kanya sa pagpisil ng ambubag (tawag dun sa mala-bola ng football). nagkakulani na yata ang kili-kili ko at mukha na akong drug addict na dinaanan ng pison sa kakapisil ng bwisit na ambubag na yon ng dire-diretsong dalawampu't apat na oras! kasi naman, government hospital ito kaya wala silang mga respirator para sana maikabit doon ang bata. pasensya na lang ako, ako ang duty kaya ako na muna ang naging human respirator. at take note, wala iyong kainan ha. mga hinayupak na nurses talaga yon! ni hindi man lang naisip na pakainin ako! hindi ba nila alam na kahit alipin nila ako doon sa loob ng nursery, tao pa din akong nagugutom. grrr!
mayaya na nga lang muna si partner jo sa megamall, kakain muna ako bago umuwi. ano naman kaya ang naghihintay sa akin bukas?
Posted by nikki:: 7/11/2005 09:11:00 PM
|