Tuesday, July 19, 2005
drama club
tapos ko nang basahin ang harry potter and the half-blood prince. 652 pages iyong libro at tinapos ko siyang basahin ng halos dalawang araw lang, hindi ko kasi maibaba ang libro. sa anim na harry potter na libro, ito ang pinaka-gusto ko. kasi dito sa librong ito, may action, drama, love story at may comedy din (depende kung mababaw ang kaligayahan ninyo gaya ko). huwag kayong mag-alala, hindi ko ikukwento kung ano ang nangyari. meron lang akong napatunayan sa aking sarili.
certified drama princess nga ako! kasi naman, maski sa harry potter, umiyak ako. ewan, basta bigla ko na lang naramdaman na nangingilid na ang luha ko. at habang patuloy ang kwento, umiyak na ako ng tuluyan. siguro kasi alam ko kung ano ang pakiramdam ng nawalan. o kung gusto mo ng mas sosyal na sagot, i guess i'm just in touch with my emotions. ah basta, iyakin talaga ako, yun lang yon.
bakit nga ba may mga taong iyakin? meron akong kaibigan, maski kay kris aquino, naiiyak. pero in fairness kay kris, minsan nga naman below the belt na talaga ang mga tira sa kanya. teka, ibang usapan na yata yan. meron naman akong kakilala, umiiyak na lahat ng nasa paligid niya, dead ma pa rin. naisip ko, yung mga taong madaling umiyak madali din kayang tumawa? mas masaya kaya sila kesa sa mga taong bato?
Posted by nikki:: 7/19/2005 12:18:00 AM
|