Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Tuesday, September 06, 2005

Only in the Philippines


DISCLAIMER: Ang mga mababasa ninyo dito ay pawang mga opinyon ko lamang. Hindi ko layunin ang sirain ang kahit na sinong tao, ako ay nagbibigay lamang ng aking pananaw sa mga pangyayari.



Hindi ko alam kung matutuwa ako o magmamaktol sa kainisan sa mga pangyayari ngayong araw na ito. Gaya ng karamihan ng mga Pilipino, ilang linggo ko ding sinisilip-silip ang mga debate tungkol sa impeachment ni GMA. Hindi na mahalaga ngayon kung ako ay pro o against sa impeachment na ito. Kaya lang, kalabisan na yata yung gawing joke ang isang napaka-importanteng bagay. Kinabukasan ng buong bayang Pilipinas ang pinag-desisyunan sa Kongreso pero tama bang gawing katuwaan ito? Tama bang gawing sugal "in the spirit of fun" ang resulta ng botohan sa Kongreso para sa impeachment ni Presidente Arroyo? Isa sa mga hinahangaan kong katangian ng mga Pinoy ang pagiging masayahin natin, kahit anong problema kinakaya natin dahil marunong tayong pagtawanan ang ating problema. Ngunit sa palagay ko, kalabisan nang gawing joke ang impeachment na ito. Kung sana isang ordinaryong mamamayang Pilipino ang naka-isip na nagpataya sa mga tao kung ano ang magiging huling numero sa score ng impeachment voting na ito, oo, matatawa ako at hahanga dahil isa na naman itong patunay na kakayanin natin itong pagsubok na ito sa atin dahil nakukuha pa din nating magkatuwaan. Pero kapag ang katuwaan ay galing na mismo sa Office of the Press Secretary ng Presidente ng Pilipinas, hindi na iyon nakakatawa. If this is the Palace's idea of a joke, it is not funny at all. Hindi ba't isa itong insulto sa Kongreso at sa mga mamamayang Pilipino? Dapat kayong mahiya sa inyong mga sarili dahil sa ginawa ninyong katuwaan lamang ang magiging kinabukasan ng inyong mga anak at mga apo. Sa mga paliwanag ng mga Kongresista sa kanilang mga desisyon, ginamit nila ang mga salitang "the voice of the people" mayroon pang, "the voice of God". Kung ganon, katawa-tawa pala ang boses ng sambayanan at ang boses ng Diyos kasi nakuha nilang gawing sugal ito, all "in the spirit of fun".

Naaawa ako sa mga batang kapapanganak pa lamang dahil hindi ko alam kung ano ang bukas na haharapin nila kung ang mga namumuno sa ating bansa ay mga taong ganito ang isip. Nawawalan na ako ng pag-asa sa bayan ko, iniisip ko nang lisanin siya dahil pakiramdam ko, talong-talo ako. Ngunit matigas ang aking paniniwala na may hangganan din ang lahat at hindi natutulog ang Diyos.



Posted by nikki:: 9/06/2005 11:54:00 PM
|

---------------oOo---------------