Wednesday, September 14, 2005
10 Excuses to let your EX know that you miss him
Hindi ba minsan kahit na matagal na kayong nagkahiwalay ng dati mong kasintahan, may mga pagkakataong naaalala mo pa din siya? Kahit pa sabihin mong masalimuot ang inyong paghihiwalay, meron talagang mga pagkakataon na papasok siya sa isipan mo. Sa akin, nangyayari ito. Minsan, sabi ng mahadera kong kaibigan, bakit ba hindi ko daw padalhan ng email si EX at sabihin na na-mimiss ko siya? Sayang naman daw kasi yung feeling kung hindi malaman nung tao. Hmmm.... napaisip tuloy ako, kelangan may strategy, may dahilan kung bakit ako biglang napa-email para hindi naman ako magmukhang stalker. Yung subtle lang ba...
1. nabasa mo ang mga lumang emails niya - Obvious naman siguro ito na naalala mo siya kasi nga nabasa mo yung mga love emails ninyo noon. Ngayon, kung waiis ang EX mo, he will see through your excuse.
2. nakita mo ang mga pictures niya - Kaya nga may mga litrato di ba para maalala mo ang isang tao o isang okasyon?
3. nabasa ang mga lumang text - Isa pa itong style na bulok! Kasi kung ang huling text niya sa iyo ay noong isang taon pa, ibig sabihin, hindi mo binura ang mga text niya sa inbox mo. Kaya kung ayaw mong mabisto na head over hills in-love ka pa din sa kanya at hindi mo lang siya biglang naisip, huwag mong gamiting excuse ito.
4. nakita ang dating regalo - Siguraduhing ang babanggiting regalo ay iyong pinaka-mamahalin o di kaya iyong pinaka-memorable na bigay niya para malaman niyang mahalaga ang mga ito sa iyo.
5. gusto mong magpalit ng radyo ng kotse mo at nais mong hingin ang opinyon niya - Magandang excuse ito dahil sa siguradong matutuwa ang EX mo. Bukod kasi sa mga babae, kotse ang isa pang kinalolokohan nila.
6. nabasa mo ang isang pocketbook na kapareho ng istorya ninyo - Maganda din siguro kung isama mo na sa email mo yung title saka kung sino ang sumulat ng libro baka kasi isipin niya na ikaw ang sumulat nito, lumaki pa ulo non!
7. nadinig sa radyo ang paborito niyang kanta - Sabihin mo na din kung ano yung title nung kanta na yon para naman hindi ma-obvious na excuse mo nga lang ito pero make sure na siguradong siya ang may paborito nung kanta hindi iyong isa mong ex.
8. nakita mo sa friendster ang profile niya - Isa pa itong excuse na kung wais ang ex mo ay maiisip niyang style mo din lang ito kasi unless na kasama siya sa network of friends mo, sa dami-dami ng mga sumali sa friendster, hindi mo lang basta-basta makikita ang profile niya maliban na lang kung nag-search ka para sa profile niya.
9. may nakitang kamukha sa simbahan - Hmmm... original itong excuse na ito. Pwedeng-pwede talaga itong gamitin lalo na kung gusto mong ma-update kung saan na siya ngayon nakatira. Maaari mo kasing tanungin kung doon na ba siya sa malapit sa simbahan na yon nakatira kasi may nakita ka nga na kamukha niya.
10. pumasyal ang nanay mo sa probinsiya nila - Eh ano naman ngayon? Ginamit na din ito sa aking dahilan. Uy, ibig sabihin pala na-mimiss din niya ako. (wink) Nangangarap lang po!
Pero para sa akin, ang pinaka original na excuse ay ang sabihing napanaginipan mo siya . Ang mga panaginip daw kasi ay may ibig sabihin, ito daw ang mga bagay sa iyong subconscious. Minsan naman, isa daw itong paraan upang iparating sa isang tao ang isang mensahe - ito ang pwede mong gamitin na dahilan sa iyong email. Napanaginipan mo siya kaya naisip mo na kumustahin siya. Nagamit ko na ito noon pero totoo naman kasing napanaginipan ko siya.
O hindi ba, hindi naman garapal? Kanya-kanya lang namang style talaga yan pero kung malakas ang loob mo, pwede mo din namang diretsahing sabihin sa kanyang miss mo nga siya. Paalala lamang, ihanda din ang sarili na baka isnabin lang ng EX mo iyong email mo pero kung sagutin niya, eh di masaya!
Posted by nikki:: 9/14/2005 12:05:00 AM
|