Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

 

 

 

                            


 
A work in progress

Saturday, June 04, 2005

the journey 2

Fourth year/Clerkship:



during this time, there will be no sitting down for hours listening to your professor talk to the blackboard. you will be assigned to different hospitals in different departments - internal medicine (adults), surgery, pediatrics and obstetrics & gynecology to go on 24 hour duty every few days. at since ikaw ang pinaka "lowest animal" sa hierarchy ng buong hospital, ikaw ang dakilang utusan. be prepared na magka-kalyo ang iyong kamay sa kakasulat ng paulit-ulit na history ng mga pasyente, progress notes at discharge summary pag-uwi nila. dito mo din makikita ang nakaka-awang kalagayan ng mga government hospitals at mga pasyenteng walang pera. sa time na ito din madalas nag-bebreak ang mga mag-bf/gf kasi busy sa duty at madaming nakikilalang mga bagong mukha (mga nurses, pasyente, kamag-anak ng pasyente, med tech, x-ray techinician, kapwa mga clerks galing sa ibang med schools, residents, maski consultants - notorius dyan noong time namin ang mga surgeons at anesthesiologists). sa time na ito din madalas na nakakapag-lakwatsa ka pagkatapos ng duty. pero don't get me wrong ha kasi hindi nangangahulugan na hindi ka na mag-aaral during this time kasi meron ding mga reporting, quizzes at rounds w/ your terror residents & consultants. pero magaan heto ang mga experiences na di ko malilimutan noong clerk pa ako...

Medicine Rotation:

UDMC - sumakit ang mga kamay ko sa kaka-push ng mga gamot sa swero ng mga pasyente. sumakit din ang mga paa ko dito sa kakalakad sa buong medical ward para kuhanan ng heart rate, respiratory rate at blood pressure ang mga pasyente, at bago ka pa matapos sa kabilang dulo eh kelangan na namang i-monitor yung mga pasyente sa isang dulo. dito ko din ako nahilo sa paggawa ng peritoneal dialysis (maglalagay ng solution sa loob ng tyan ng pasyente sa pamamagitan ng isang tube at after several hours, drain the solution para matanggal ang mga waste products sa loob ng katawan. una akong natuto dito kung paano maglagay ng intravenous fluid at catheter.

FEU Hospital - nakakahawak kami dito ng mga charity patients kaya dito ako mas nahasang maglagay ng IV fluid. madami ding reporting dito saka mga lectures at laging may nakabantay na resident para turuan kayo kung tama ba ang inyong ginagawa. dito din nangyari ang pinaka embarrassing experience ko sa clerkship - naglagay ako ng catheter sa isang 50+ na lalaking kidney patient! first time ko lang noon maglalagay ng catheter ng ako lang mag-isa at lalaki pa! nagtaka ako noon kung bakit nangingiti iyong nurse na nag-utos sa akin, huli na nang nalaman ko na naninigaw pala yung pasyente na yun kasi ayaw na ayaw niya na nilalagyan sya ng catheter pero wala syang choice kasi hindi sya maka-ihi. pero laking gulat ng bwisit na nurse na yon nang matapos ako at maghugas sa nurse's station, hindi nya akalaing tapos na ako kasi wala silang nadinig na sigaw. kaya ang ginawa ng bruhang nurse, pumunta sa kwarto ng pasyente at may i check sya ng gawa ko sabay kumusta sa pasyente, sabi naman ni manong, gentle daw kasi ako at sana daw ako na lang palagi ang maglagay ng catheter sa kanya. langhiya yon!

San Lazaro Hospital - hindi ko malilimutan dito yung time na may dinalang isang payat na payat na gusgusing babae at may mga puti-puti sa loob ng bibig dahil sa infection (sori po kung sobrang graphic), may AIDS pala. hindi ko alam kung ano ang kwento nya kasi bawal kaming maki-usi kapag ganito kaselan ang kaso. noong panahon namin, madami ding reklamo sa mga pasyente sa TB Pavillion kasi madami daw nanghihipo at naninilip dito, pano ba naman kasi sa tagal nila doon at sobrang dami nila, dala-dalawa na sa kama at yung iba, sa ilalim na ng kama nakahiga. na-bwisit din kami ng partner ko noon sa mga taga ibang school na kasama namin dito kasi wala nang ginawa kundi magpa-cute at manggulang sa trabaho! kainis! magtaka ka kasi palaging kami ng partner ko ang taga-kabit ng swero sa lahat ng mga pasyente sa Pavillion 2 kasi lagi silang nawawala. madami din dito nag-aaway kasi nag-aagawan ng partner para sa pagbili ng anti-rabies na bakuna, mas mura kasi dito.

Surgical Rotation:

Pasay City General Hospital - grabe dito! nandyan yung tumakbo ka sa loob ng quarters ninyo para magtago dahil sa may nagsasaksakan sa pinto mismo ng ospital. humanda ka din na mapagod sa kaka-examine buong araw ng mga taong nahuhili ng mga pulis bago sila dalhin sa presinto. ingat lang kasi madaming mga maniac sa kanila kaya dapat make sure na nandyan si PO1.

Jose Reyes Medical Center - nakaka-awa ang mga pasyente dito kasi yung iba, umuuwi na lang dahil sa walang pera pambili ng mga gamot. naisabak din ako dito sa sunod-sunod na pag-assist sa mga operasyon. ang dami kasing pasyente dito. pero ok lang kasi madaming cute na surgeons ha!



Posted by nikki:: 6/04/2005 05:29:00 PM
|

---------------oOo---------------